Chapter 52: Now and Forever

61.5K 1.4K 94
                                    

June's POV

Dalawang buwan na ang nakakalipas pagkatapos ng gulo sa cruise ship. Dalawang buwan ng comatose si Kate at dalawang buwan na ring hindi nagpapakita si Mr. Cordova. Walang nakakaalam sa mga tauhan niya kung nasaan siya.

"Hoy. Wala ka ba talagang ideya kung nasaan ngayon yung kaibigan mo?" tanong ko kay Michael na katabi ko dito sa labas ng ICU kung saan naka-confine si Kate. Nakatanaw kami sa kanya sa glass window at talagang nakakaawa yung itsura niya.

Ang daming mga tube na nakatusok sa katawan niya. Para siyang premature baby kung tingnan dahil sa mga 'yon. Hanggat maaari ayokong makaramdam sa kanya ng ganito. Kahit maimagine man lang na ganito ang kahihinatnan niya, hindi ko nagawa.

"Ayaw niya" napalingon ako kay Michael na matiim na nakatingin kay Kate. Anong ayaw niya? "Ayaw nino?" huminga siya ng malalim bago sumagot. "Sino ba ang gugustuhin na makita ang taong mahal nila sa ganitong sitwasyon? Sino bang may gusto na panoorin ang mahal nila na nagdudusa at nahihirapan? Wala."

Binalik ko yung tingin ko kay Kate. "Kaya ba wala ngayon si Mr. Cordova? Sa tingin mo naduduwag siya?"

"I don't know. Matalik na kaibigan ko si Xander pero pakiramdam ko.. si Kate lang ang nakakaalam ng mga tumatakbo sa isip niya. Mas nababasa siya ng kapatid ko kesa sa'kin. Hindi expressive na tao si Xander pero.. para sa kapatid ko, alam ko kung anong kaya niyang gawin."

"Anong ibig mong sabihin?" ewan ko ha. Pero bigla akong kinabahan dun sa huli niyang sinabi. Lumingon siya sa'kin saka ngumisi. Aba't nagagawa pa niyang ngumisi??

"He will not be Alexander Cordova for nothing." sabi niya saka ako hinila. "Come on. Nagugutom na ako." Tinanguan niya yung anim na armadong kalalakihan na nandito rin sa labas ng kwarto ni Kate. Nang makaliko kami sa hallway ay nakita naman namin yung tatlo pang bantay. Halos lahat ng sulok na nadaanan namin ay may bantay. Lahat armado.

Napahinga ako ng malalim. May tiwala akong ligtas si Kate. Sana lang ay magising na siya. Sobrang lungkot na.


----


Darren's POV

Nakasandal ako sa hamba ng pinto dito sa rooftop ng ospital. Ilang linggo na akong pabalik-balik dito. Hindi naman masamang magbakasakali hindi ba?

Hindi ko na nga naaasikaso ang sarili kong kumpanya dahil dito. It's not that I'm complaining. Ito na ang buhay ko bago pa man ang CLICK Magazine Company. Pinundar ko lang 'yon dahil yun ang pangarap ko. Ang makapagpatayo ng sarili kong kumpanya. Pero hindi 'yon ang priority ko ngayon.

Ang iniintindi ko ay ang taong nasa rooftop ngayon at nakatanaw sa maraming ilaw na nanggagaling sa city. Kanina ko pa narinig ang pag-alis ng helicopter na sinakyan niya at hinihintay ko nalang na bumaba siya. Pero hindi. Nanatili lang siya doon na mukhang pinag-iisipan pa ng mabuti kung bababa ba siya para makita si Miss Kate.

May idea na naman ako kung saan siya nagpunta at kung anong ginawa niya. Sa ilang taon ko ba namang paninilbihan sa kanya, alam ko na kung kailan siya wala sa sarili niya.

Bumuga ako ng marahas na hangin saka tumayo ng diretso. Naglakad ako papunta sa rooftop kung saan nakasandal si boss sa railings at nakatingin sa langit. Halatang lutang siya at napakalalim ng iniisip. Nilapitan ko siya saka nagtanong.

"Wala ka bang balak puntahan si Miss Kate, boss?"

Tiningnan ko siya at nakita kong nakatingin lang siya sa kawalan. Hindi na ako kumibo. Mukhang hindi gagana ang convincing powers ko ngayon kay boss. Masyadong mabigat ang mga pangyayari para sa kanya. Lalo na at si Miss Kate ang nasa critical na kondisyon.

Married to a Mafia Boss - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon