Chapter 40: Changes

53K 1K 43
                                    

Grey Foulcher :)

Grey’s POV

*Crassshhh!!*

Napangiwi ako nang makarinig nanaman kami ng isa pang makabagbag damdaming iyak ng vase. Sayang. Sa pagkakaalam ko lahat ng gamit dito sa mansyon niya ay galing ibang bansa. May ibang local furniture pero nakakalula rin naman ang halaga. Nakatayo lang ako sa pader katabi ng front door na wasak na rin. Inilibot ko ang tingin ko sa malawak na sala.

Nakataob yung mga couch. Nagkalat ang mga basag na vase. Pati mga gamit sa kusina napunta na sa sala. Parang dinaanan ng delubyo itong bahay ni boss. Kapag nalaman 'to ni Miss Kate baka— tangna! Ako na tanga! Sino nga bang dahilan ng pagkakaganyan ni boss?? Tss. Hanggang ngayon hindi pa rin namin alam yung rason kung bakit biglang nagkaganun si Miss Kate. At sinabi pa niyang gaganti siya. Gaganti saan??

Tiningnan ko yung mga kasama kong tulala at malalim ang iniisip. "Kapag nakita ko ang hayop na 'yon hahagisan ko talaga siya ng granada. Para walang mintis." gigil na bulong ni Gino habang niyuyupi yung lata ng beer na hawak niya. Galit pa rin siya dahil sa nalaman naming kalaban yung Seth na madalas kausap noon ni Miss Kate. Hindi ko nga malaman kung papaanong nakalusot yun sa background assessment ni Zach. Sinisipat niya ni katiting na detalye sa lahat ng koneksyon ng mga ina-assess niya kaya papaanong nangyari 'yun? Kitang-kita namin kung paano siya nafrustrate nang for the first time sa kasaysayan ng pagiging computer freak slash information collector niya ay may nakalusot sa kanya. Napailing nalang ako nang inihagis niya yung laptop na hawak niya. Wasak.

Sabay-sabay kaming natigilan at nagkatinginan nang makarinig kami ng humaharurot na sasakyan paalis. "Shit!!" tumakbo kami palabas ng bahay at di magkadaugagang sumunod kay boss na parang hinahabol ni kamatayan sa sobrang bilis ng pagdadrive. Shit! Makailang-ulit siyang muntik makabunggo! May nasagiaan pa siyang side mirror ng kotse sa kakasingit niya. Bukod sa over speeding ay paniguradong makakasuhan din ng krimen sa pagdadrive ng nakainom 'tong si boss. Ilang bote din ang nilaklak niya simula pa kaninang umaga.

Nakita kong pinagbabaril ni Ed yung gulong ng mga police cars na sumusunod sa'min kaya matiwasay at nakakalipad kaluluwang narating namin ang isang subdivision na maraming mga tao. Hapon na kaya maraming mga bata sa kalye na naglalaro. Tumigil yung kotse ni boss sa isang bahay saka siya mabilis na bumaba at kinalampag yung gate. At dahil sa alam namin na hindi naman siya magpapapigil ay lumabas lang kami sa mga kotse namin at nagmatiyag. Pinagtitinginan na siya ng mga tao habang paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan ng asawa niya. Nag-iwas ako ng tingin nang maramdaman kong humahapdi yung mga mata ko. Hindi ako sanay. Nakakaawa.

Muntik na akong matawa sa naisip ko. Naaawa ako sa taong ni minsan ay 'di naman nakaramdam ng awa sa kahit na sino. Ibinalik ko ang tingin sa kanya nang marinig kong bumukas yung gate. Mula doon ay lumabas si Michael na may dalang malaking bag na duda ako kung mga damit nga ba ang laman.

——

Michael’s POV

"Where's my wife? Is she there inside? I need to see her—" mabilis kong tinulak si Alexander nang akmang papasok siya sa loob. "I fvcking need to see her! I need to talk to her —" hindi na niya naituloy yung sasabihin niya dahil nagsalita na ako.

Married to a Mafia Boss - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon