Chapter 28: Hurt

58K 1.4K 50
                                    


Edward's POV

"Dude puntahan mo nga"

"Ayoko makakita ng babaeng umiiyak dude"

"Takte! bakit ba naman kasi biglang nagkaganun si boss? Ok na naman sila diba? Di ba?? Di ba???" niyugyog ako ng gagong si Gino na parang balak alugin ang lahat ng laman-loob ko.

"Eh kung pinapatay kita diyan para magtigil ka? Gusto mong masubukan??" dali-dali niyang inilipat yung mga kamay niya mula sa mga balikat ko, papunta sa mga braso ni Drake. Siraulong to.

Kagabi pa kasi hindi lumalabas ng kwarto niya si Miss Kate kaya medyo kinakabahan na kami. Wala rin namang may idea samin kung paano mang-alo ng babaeng luhaan. Hindi pa rin talaga maalis sa isip ko yung nangyari kagabi.

Nasayang lang effort namin sa pagtayo at paghawak ng mga rosas kagabi. Pero mas nasayang ang effort ni Miss Kate na naglagay ng kung anong pampakilig sa kwarto ni boss at nangharana pa.

"Baka naman may nangyari?" seryosong sabi ni Grey kaya napalingon kaming lahat sa kanya "Alam nating lahat kung gaano kalamig makitungo si boss. At hindi siya basta basta nagbabago ng pakikitungo sa ibang tao."

"Na nagawa niya kay Miss Kate. Tapos ngayon back to zero ulit. Ano ba talagang nangyayari?" nakakunot noo pa si Drake habang nakatingin sa staircase. "Pinaglalaruan lang ba niya si Miss Kate?" bulong pa niya. Ewan ko lang ah, pero may nahahalata na ako sa lalaking to eh.

"Baka naman may kabit si boss?" sabay-sabay kaming napatingin kay Zach na abala sa pag inom ng beer na hawak niya.

I was about to talk nang marinig ko ang galit na boses ng babaeng yon.

"What the hell!??" sigaw niya mula sa malaking front door ng bahay. May kasama siyang dalawang babae na sa tingin ko ay kaedad lang nila ni Miss Kate. "Nasaan ang walang hiyang yon!? Nasaan!??" I can tell. Halos umusok na yung mga butas ng ilong niya sa sobrang galit.

"Relax, May. We have all the time in the world para patayin siya if ever he cheated on Kate." sabi nung babaeng seryoso ang mukha pero halatang maarte.

"Bakit ba puro patayan na yang mga pinagsasasabi niyo?" sabi naman nung babaeng tingin ko ay parang leader nila. Buti pa to. Marunong magtimpi at-- "We should torture him first before we kill him. That would be better."

Married to a Mafia Boss - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon