Chapter 43: Memories of the past (Part III)

44.7K 1K 79
                                    

Michael's POV

*CONTINUATION*

-----After 5 years-----

Putok ang gilid ng kanang mata ko, ganun din ang ibabang labi ko. Hindi ko alam kung paano pa ako nakauwi ng buhay dahil alam kong lasing ako. Ang nakakabwisit lang.. hindi naman ako makatulog. Mas gusto kong takasan ang reyalidad at managinip nalang.

Pakiramdam ko wala akong silbi. Nasasaktan pa rin ako. Gusto ko ng mamatay pero laging sumasagi sa isip ko na may posibilidad na buhay pa ang kapatid ko. Na buhay pa si Dianne.

Nang magising ako matapos ang insidenteng 'yon ay halos mabaliw ako. Gusto kong magpakamatay para matapos na. Pakiramdam ko kasi naputulan ako ng mga kamay at paa. Nawalan ako ng pamilya. Namatay ang mapagmahal kong ama, ganun din ang napakabait kong kuya. Tapos ang bunso kong kapatid ay hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya. Kung sana ay itinakas ko siya ng mas maaga hindi sana ganun ang nangyari. Kasalanan ko. Naging pabaya ako kaya hindi ko naprotektahan si Dianne.

Naramdaman ko ang malamig na bagay na dumadampi-dampi sa mukha ko. Sunod naman sa mga braso ko. Sinubukan kong idilat ang mga mata ko pero madilim ang paligid. Dala na rin siguro ng kalasingan ko kung kaya't kung anu-ano nalang ang nararamdaman ko.

Hindi ko na napigilan at tuluyan ng kumawala ang malakas na iyak na pinipigil ko.

'Ok lang 'yan kuya. Wag kang mag alala.. sabay tayong iiyak.'

"Ayoko naaa!! Hindi ko na kaya.. ayoko naa.. Mom.. Dad.. Kuya.. Dianne... Ayoko naa.. sobrang sakit na..."

Gusto kong ibalik ang oras. Yung panahong masaya kami at walang ibang iniisip kundi ang isa't isa. Yung panahong hindi pa nangyayari ang lahat..

--

Nagising ako kinabukasan na sobrang sakit ng ulo ko. Sobrang dami kong nainom ng nakaraang gabi kaya parang dinadaganan ng tone-toneladang bato ang ulo ko.

Natigilan ako nang mapansin ko ang isang basong tubig at tabletang gamot dito sa lamesa sa sala. Napakunot ang noo ko at lumingon sa nakasaradong pinto ng condo unit ko. Sigurado ako na mag isa akong umuwi kagabi kaya sinong siraulo ang maglalagay ng gamot at tubig diyan??

Walang pag aalinlangan kong ininom yung gamot dahil sobrang sakit na talaga ng ulo ko. Pagewang-gewang akong naglakad papunta sa kusina para sana kumuha ng ice bag. Lalo namang nalukot ang mukha ko nang mapansin kong may nakahanda na sa counter. Anong katarantaduhan ang nangyayari sa unit ko??

Matapos ang ilang oras at nahimasmasan na ako ay agad akong naligo. Pagkalabas ko ng unit ay dumiretso ako sa CCTV room para malaman kung sinong ungas ang nakapasok sa unit ko. Agad naman akong kinutuban nang makita kong nakahandusay na sa gilid ang dalawang security guard. Sinubukan kong kalikutin ang mga videos at malutong akong napamura nang mapansin kong may nawawalang ilang footages matapos ang ilang minuto nang makarating ako sa building. Ganun din ang ilang footages sa floor ng unit ko mahigit tatlong oras na ang nakakalipas. Agad akong tumakbo pabalik sa unit ko. Kinuha ko ang isang finger - shit! Nasaan ang scanner ko!? This is bullshit!!

*Phone rings*

"What?"

[Pinapatawag ka ni boss]

Married to a Mafia Boss - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon