June's POV
"Kindly pass your papers to the front and study our lesson today for tomorrow's drill."
Pasimple akong tumingin kay May na mahigpit ang hawak sa papel na ipapasa niya. Actually lukot na nga at halos mapunit na. Matalim ang tingin niya sa babaeng nasa harapan ngayon at nagkokolekta ng mga papel.
"ahmm.. June, paper mo?" tanong ng babaeng nakapwesto sa harapan ko. Mula sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong lumingon sa akin si April. Tumingin din ako sa kanya at agad na ibinalik ang tingin sa kaklase kong hindi ko kilala. Kinuha ko yung papel na nakapatong sa table ko at pinunit ko into four pieces. "S-Sec! Quiz 'yan!" sabi niya na natataranta. Tiningnan ko naman siya ng masama. "Alam ko. Tingin mo sa'ken? Tanga?? Tss." agad niyang ibinalik yung tingin niya sa harap.
Napatingin ang lahat sa lumipad na nakabilot na papel hanggang sa mashoot 'yon sa basurahan. Lumingon ako sa pinanggalingan no'n. Kay May na nakangisi habang nakatingin sa harap. May isa pang lumipad na bilot ng papel at nashoot din sa basurahan. Galing naman kay April na nakangiti sa lahat na mukhang gaga. Huminga ako ng malalim at kinuha yung mga punit na papel sa table ko saka tumayo. Nakatingin ang lahat sa akin habang dahan-dahan kong binibilot yung papel na hawak ko. Malakas kong ibinato yung papel papunta sa harapan at gaya ng inaasahan.. nasalo niya.
I gave her a devilish grin "Sorry. Akala ko basurahan ka." Saglit niya akong tinitigan saka ngumiti. "You shoud wear glasses, Ms. Alcaraz." agad na nawala ang ngisi sa mga labi ko. "Hindi na kailangan. Hindi naman malabo ang mga mata ko at sigurado ako sa nakita ko." nakita ko sa gilid ng mga mata ko na nagsipagtayuan na sina April at May kaya nauna na akong naglakad palabas ng room.
Oo. Mukha kaming mga walang galang dahil wala naman talaga. At hinding-hindi ko igagalang ang babaeng 'yon kahit na kailan.
------Flashback------
Nagising ako nang makarinig ako ng malakas na pagsabog mula sa kung saan. Nakadapa ako habang nakatali ang mga kamay ko sa likod. Sinubukan kong bumangon at inilibot ko ang tingin sa paligid. Paano ako napunta dito sa detention room??
Ahh.. natatandaan ko na.. May nagpaamoy sa akin ng matapang at mabahong amoy kaya nawalan ako ng malay. Malamang chloroform 'yon.
Sunud-sunod na ang naririnig kong putok ng baril mula sa labas kaya naalarma ako at tumingin sa paligid para- "What the hell was that?" napatingin ako kay April na mukhang kakagising lang. Nasa sulok siya at nasa paanan naman niya si May na wala pa ring malay. Sinipa sipa niya si May sa tagiliran para magising. "P*ta ano ba!?" inirapan lang siya ni April saka tumayo at lumapit sa pinto. "It's locked. I think there's something happening outside." sabi ni April pagkatapos lumayo sa pinto. "Shit! Wala ang kutsilyo ko!" sabi ni May matapos tingnan ang pocket sa hita niya. Ako naman ay tumayo para maghanap ng matalim na pwedeng magamit para matanggal ang lubid na nakatali sa mga kamay ko. Palapit palang ako sa maliit na table nang biglang bumukas yung pinto.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagsino yung babaeng pumasok na may hawak na baril. Si professor Weston. Mataman niya kaming tinitigan at hindi siya nagsalita. Ako naman ay nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanya at sa baril na hawak niya. Marunong siyang gumamit ng baril??
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang taas noo siyang tumalikod at naglakad palabas. Isinara rin niya ang pinto saka nilock.
"What the hell!??"
----End of Flashback----
Dalawang linggo matapos ang araw na 'yon ay nagkagulo na ang lahat. Nalaman namin na sumama daw si Kate sa kalaban sa Mafia ni Alexander at hindi na bumalik dahil galit daw si Kate dito. Ang malala pa.. hindi pala sila totoong kasal! Bwiset! Nakakaimbiyerna ang komplikasyon sa buhay ng mga taong 'to! Isa pa 'tong imbyernang professor na 'to. Ngayon lang pumasok!
BINABASA MO ANG
Married to a Mafia Boss - COMPLETED
HumorPupunta ng school, makikibonding with friends, makikipagkulitan sa family pag uwi .. mga typical na bagay para sa isang college student .. Everything seems fine. until i met this NOT so ORDINARY man. . who eventually turned my world Upside Down.. LI...