Chapter 41: Memories of the past (Part I)

49.1K 1K 36
                                    

Darren's POV

"Hindi ka pa ba uuwi? Para lang malaman mo.. Gusto ko ng magpahinga."

Nakapikit ako habang nakasandal sa sofa ni Sammy. Wala ako sa mood bumalik sa bahay na 'yon dahil nakokonsensiya lang ako. Ang hirap maging masama at mabuting kaibigan at the same time. "Nakakatawa ano? Ang bilis umikot ng mundo. Baligtad na ang sitwasyon." narinig ko siyang huminga ng malalim saka tumabi sa'kin. "Life is very unpredictable." sabi pa niya. "Hindi mo masasabi kung kailan matatapos ang kaligayahan mo. Ganun din ang kalungkutan mo."

Dumilat ako saka malungkot na ngumiti. "Sa totoo lang, nakakaawa ang dalawang 'yon." sumandal na din si Sammy sa sofa. Mukhang willing naman siyang makinig. Ano nga ba naman ang konting sharing 'di ba? "Para sa'kin, mula pa noon nakakatawa na talaga ang love story nilang dalawa." Kapag naaalala ko talaga yung mga nangyari noon hindi ko mapigilang matawa.


--Flashback 10 years ago--

Kakauwi ko palang galing sa training. Takteng tanda yun! Ang lakas! Akala ko naman madali lang dahil uugud-ugod na. Yun pala.. bakit ba ganun yun kalakas!? Aishh!

Nag inat-inat ako para maalis ng konti yung sakit. Mukha ngang may mga naipit pang ugat eh!

Nasaan na kaya si boss? Hindi ko siya nakita sa training grounds kanina. Yung training grounds na tinutukoy ko ay parang dome ang itsura. Nakakakita ako ng mga ganun sa mga gang fights noon. Pero mas malaki ngayon ng triple. Nasa magubat siyang parte ng city at gwardiyado. Sobra.

Kahit naman nandun si boss hindi pinapakita yung training niya. Sa private part siya ng grounds naglalagi kapag nandun siya. Sa pagkakaalam ko galing pa sa ibang bansa yung mga trainer niya. At ang pinakamalupit niyang trainer ay ang big boss, na tatay niya. Hindi ko alam kung paano ang training na ginagawa nila.

Kapag yung mga big time assassins at fighters ang kaharap niya, madalas lalabas siya na konti o minsan walang galos. Pero kapag tatay niya ang kalaban niya, lalabas siyang may mga galos at pasa. Hindi ko maimagine kung paano sila maglaban. Sa totoo lang, nakakatakot malaman.

Naglakad na ako papunta sa kwarto ko. Dito na ako pinatira ni boss pagkatapos niya akong kunin noon sa squatters area. Malaking bahay 'to. Kaso malungkot. Wala kasing ibang tao. Ni hindi nga pinapayagan ni boss na magpalakad-lakad sa loob ng bahay yung mga bantay. Ayaw niya ng maraming tao. Ayaw niyang may kumakausap sa kanya. Pero natutuwa ako na sa halos isang taon na pagtira ko dito ay minsan nakakausap ko na siya. Siguro sa isang linggo, marami na ang dalawang beses.

May mga maliliit na tao siyang pinapapatay sa'kin. May mga pinapanakaw din siya sa'kin na tinatamad siyang kunin. Ganun siya. Hindi ko alam kung anong pinagkakaabalahan niya noon at sa akin pa niya inuutos. Pero nung one time na nagising ako ng madaling araw, nakita ko siyang nagbabasa ng libro sa isang kwarto. Sa pagkakaalam ko, bawal pasukin 'yon dahil yun ang dating kwarto ng mga magulang niya.

Mula ng araw na 'yon ay narealize kong may kakaibang talino siya. Bakit? Kasi ultimo isang maliit na hikaw na suot ko nang araw na magkita kami ay tandang tanda niya! Pero pagkatapos ng araw na 'yon ay di ko na ulit sinuot! Nagulat ako nung isang araw na inabot nalang niya 'yon sa akin. Ni hindi na nga ako sigurado no'n kung kailan ko ba yun huling nasuot dahil paiba-iba ang hikaw ko noon. Misteryosong ewan lang ang dating niya.

Akala ko din noon, wala siyang pakialam sa kahit na sino. Pero nung isang beses na inutusan niya ako na hindi ako nakabalik agad, doon ko siya unang beses na nakitaan ng kabaitan.

Umaga na akong nakauwi noon dahil nahuli ako nung may ari ng usb na pinapakuha niya sa'kin. Nakita ko siya sa kusina na nakaharap sa platong may pagkain na mukhang hindi naman nagalaw. "Tell me where the hell have you been." napalunok ako dahil sa talim ng boses niya. Hindi siya nakatingin sa'kin pero alam kong galit siya dahil ang sabi niya ay dapat makabalik ako ng gabi. Inabot ako ng umaga. Shit!

Married to a Mafia Boss - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon