Darren's POV
Kasalukuyan akong nag aassemble ng mga baril na gagamitin ko sa pagsugod mamaya nang biglang nag ring yung phone ko.
Sammy Babe Calling...
Halos mapatalon ako mula sa pagkakaupo sa kama. Bakit naman kaya napatawag ang aking pinakamamahal na Sammy?
"H-hello..?" shit! kalma Darren! Gwapo ka tandaan mo yan!
[May gagawin ka ba?]
Tatanungin na ba niya ako kung gusto kong makipagdate sa kanya?
"Babe alam kong kating kati ka ng idate ako. Kaso may inuutos pa si boss kaya bukas nalang"
[Tss. Gago! Sino namang may sabi sayong makikipagdate ako sa unggoy na gaya mo?!]
Grabe naman tong babe ko. Kung makaunggoy kala mo di nakakasakit ng feelings! Pasalamat siya..
[Anyway, tungkol sa pinapagawa sayo ni Mr. Cordova.. sasama ako]
"Ano!? Nababaliw ka na ba!? Hindi ka pwedeng—"
[toot toot toot..]
Anak ng! Bakit pa siya sasama? tss. buong grupo ang icocorner namin eh! Pano kung—
*dingdong*
Tumayo ako at lumabas ng kwarto para tingnan kung sinong nang iistorbo sa unit ko. Hinigpitan ko ang hawak sa baril ko at binuksan ang pinto.
"Anong ginagawa mo dito!?"
"Hindi ba't sinabi kong sasama ako?? Tss"
Dumiretso siya ng pasok sa loob na parang kanya yung unit ko. Ok lang naman sakin na magshare kami ng unit at— takte! ano bang tong iniisip ko?

BINABASA MO ANG
Married to a Mafia Boss - COMPLETED
HumorPupunta ng school, makikibonding with friends, makikipagkulitan sa family pag uwi .. mga typical na bagay para sa isang college student .. Everything seems fine. until i met this NOT so ORDINARY man. . who eventually turned my world Upside Down.. LI...