Chapter 25: Caught

58.2K 1.3K 26
                                    


--June’s photo up there :)

June’s POV

Naglalakad ako ngayon sa hallway ng Bus. Ad. building kasabay tong siraulong Kate na lumulukso lukso na parang tanga. Parehas kasi kami ng course. Buti naman at hindi nakabuntot sa kanya dito sa loob ng school yung bodyguards niya.

Kaya hindi makapaniwala yung mga professors at elders ng university na kasal siya kay Alexander Cordova. Mukha kasing ewan. Hindi ko nga akalaing tatagal sa katangahan niya yung asawa niya eh.

~Sa telepono, may tumatawag! Ang telepono, sagutin natin! Sa telepono--~

“Punyeta sagutin mo na pwede ba!?” wala akong pakialam kung pinagtitinginan na kami ng mga tao dito. Naiinis lang ako dyan sa hobby niyang sabayan muna yung ringtone niya hanggang sa magsawa yung tumatawag.

Talaga tong babaeng to sagad sagaran ang sayad!

“Mama!!!” halos mapatalon ako sa lakas ng sigaw ng gagang to. Magkatabi kaya kami ano?!

“Opo sige po!.. sige po.. bye bye!” kumaway kaway pa ang gaga na akala mo nasa harap niya yung kausap niya.

“June! Magiihaw daw ng barbeque sila mama mamayang hapon. Sama kayo nila April!” sabi niya habang nagtatatalon.

“May meeting ang student body mamaya. Hindi ako pwede” sabi ko saka nagtuloy tuloy ng lakad papuntang locker. Secretary ako ng student council kaya hindi pwedeng wala ako sa meeting.

“Sayang naman. Matagal ba yung meeting niyo?” nilingon ko siya nang marinig ko yung tono ng boses niya. Itong babaeng to ang hirap baliwalain kapag nakasimangot!

“Next time nalang Kate, promise. Tsaka pwede mo namang isama sina April at May.” ngumiti siya agad pagkatapos ng sinabi ko “Promise yan ah?” napangiti nalang ako nung halos magningning na yung mga mata niya sa sobrang saya.

Pumunta na kami sa locker at may mangilan ngilang estudyante pa sa hallway. “Saan galing to?” lumingon ako kay Kate. Magkalapit lang kasi ang mga locker namin. May hawak siyang kulay red na parang love letter kaya napangisi ako.

May mga nagkakagusto naman kasi talaga sa kanya dito sa school. Maganda siya, obviously. Matalino, kahit hindi halata, panira lang talaga yung pagiging isip-bata at katangahan niya.

“Patingin nga” inagaw ko yung papel sa kanya at binasa

Belle, for the beauty you have
You’ve captured my heart like no one had
I pledge my eternal love to you
And soon I will come to finally have you

Love,
Your happily ever after

Ang inaasahan kong letter ay yung nakakasuka at nakakadiri sa kakornihan. Pero parang mas matindi to. Nakakakilabot kasi. Mga linya ng isang stalker ang nakasulat dito!

“Hindi naman para sakin yan eh. Nagkamali siguro ng locker na napaglagyan. May kilala ka bang Belle ha June?”

Tanga talaga to kahit kailan. Ano pa nga bang aasahan?

Itinapon ko na sa malapit na trash can yung letter. Ewan ko pero mabuti na siguro yun since ang weird ng mga nakasulat dun.

---

Past 7 na nang makarating ako sa bahay. Puro naman kaekekan lang yung pinag usapan sa meeting. Pala aral ako pero hindi naman ako yung tipong gustong gusto ng leadership award. Paano nga uli ako nasali sa student council na yun?

Ah! Dahil nga pala sa pesteng dare na yun. Yung tatlong gaga na yun kasi pinagtulungan ako! Tss. Hanggang ngayon naiinis pa rin ako!

Malapit pa lang ako sa bahay ay nakita ko na si May na pasakay ng bago niyang big bike. Hindi siya sumama kina Kate??

Married to a Mafia Boss - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon