Chapter 50: Bulletproof

53K 1.1K 45
                                    

A/N:
Dahil mabait po ako, sa Third Person ang POV nito. Just please bear with it ;) Eto na! Eto naaa!! Waaa!

Please enjoy! *cross fingers*

--------------------
--------------------

Third Person's POV

Umibis si Edward ng kotse at inayos yung tuxedo na suot niya. Hindi na siya nagtaka nang makita niya ang maraming mayayamang tao na nakapormal at papasok sa isang napakalaking cruise ship. Ang Villago Cruise Ship.

Naramdaman niyang may tumabi sa kanya at amoy palang ay alam na niya kung sino. Amoy mayabang na gago. Napasipol ito ng makita yung cruise ship na nakadaong 'di kalayuan sa kanila. "Whoa! Sayang ang isang 'to." sabi ni Gino sa tabi niya habang naiiling pa. Totoo naman. Sayang talaga dahil hindi sila pwedeng umalis sa lugar na 'yon ng hindi buburahin ang pinangyarihang lugar.

Sabay silang napalingon nang magsidatingan ang mga kotse ng mga kasama nila. Halos sabay-sabay na lumabas ng mga kotse nila sina Drake, Zach at Grey. "Ikinagwapo niyo na 'yan?" tanong ni Gino nang makalapit sila. Napangisi si Edward nang mapansing naagaw ng ibang mga kasama nila ang atensyon ng mga tao sa paligid. Nainggit ang loko!

Hindi nila pinansin ang sinabi ni Gino at naghintay pa ng ilang saglit. Hanggang sa huminto sa likuran nila ang isang itim na Lamborghini na talagang napaka cool tingnan. Mula doon ay bumaba si Alexander Cordova na gaya ng dati ay hindi makikitaan ng kahit na anong emosyon. He held his head up high while his presence was shouting pure intimidation.

Sabay-sabay silang nag-iwas ng tingin nang mabaling ang tingin nito sa kanila. "Syet" bulong ni Gino saka bahagyang niluwagan ang necktie na suot niya. Naramdaman nila ang paghinga ng malalim ng bawat isa saka pumwesto sa gilid at likod ni Alexander. Naglakad na sila palapit sa cruise ship na paggaganapan ng dapat na mangyari. Walang mababakas na takot sa mga mata nila habang papalapit.

All of them we're born to do this. Born to kill, punish, and beat the hell out of those bastards who'll step on their ways. They'll rot in hell with this kind of profession but they chose it. They even craved for it. They've never been the epitome of 'good'. That's why they're called Dark Circle. They can make a portal and bring you to a very well-known place called 'hell'.

Hinarang sila ng apat na kalalakihan na pawang malalaki ang mga katawan. "Your invitation Sir?" sabi ng lalaki sa unahan. Halata sa accent nito na purong Canadian ito. Tinitigan ito ng walang buhay at diretso sa mga mata ni Alexander. "Cordova" he simply said with a pure venom in his voice that made the 'big' men flinch. Maging ang mga tauhan niya na nakapalibot sa kanya at pilit na hindi pinahalata ang pagkailang.

Agad silang pinapasok ng mga gwardiya at sinalubong sila ng malamyos na musika at mga taong busy sa pagkukwentuhan. Lumakad sila palapit sa kumpul-kumpol na mga tao at nakasalubong nila ang isang taong matiim na nakatitig kay Alexander. Sinalubong naman 'yon ng tingin ni Alexander at abot-abot ang matinding kaba ni Mike habang nakikipagtitigan sa kanya. Pero hindi niya kinaya ang napakalamig na titig nito kaya nag-iwas na siya ng tingin.

Lumipat naman ang tingin ni Alexander sa lalaking katabi ni Mike. Si Seth. Lihim na nagkaintindihan ang dalawa sa mga titig na ibinato nila sa isa't isa. Nag-angat ng tingin si Alexander at nakita niya ang pamilyar na bulto ng isang lalaki na matiim din na nakatitig sa kanya mula sa taas. Hindi siya nagpatinag at patuloy na nakipagtitigan sa lalaking matagal din niyang hindi nakita.

Married to a Mafia Boss - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon