Zach's POV
Tuliro kami at halatang mga wala sa sarili matapos maipasok sa emergency room si Miss Kate na ayon kay Arianni ay sobrang hina na ng tibok ng puso. Bago mawalan ng malay sa cruise ship si Miss Kate ay nauna ng dumating ang napakaraming mga tauhan ng mga Weston kaya napatay na ang mga natirang miyembro ng Canadian Mafia.
Nalaman din namin na ang plano pala ng head nila ay i-turn over ang Dark Circle sa pag-aakalang pabagsak na rin si boss dahil sa mga nakulimbat na ari-arian niya na kay Miss Kate din naman nakapangalan. Nagawa niya 'yon dahil sa pang uuto na ginawa niya kay Mike. Lahat ng ginawa ni Miss Kate simula sa mga nangyari sa school hanggang sa engagement party nila kailan lang ay acting lang.
"Kuya please calm down. She'll be fine--" natigilan sa pagsasalita si Riri nang tingnan siya ng masama ni boss. Agad akong naalarma nung nakita ko yung galit sa mga mata niya.
"Calm down.. You're telling me to calm down?? How can I fvcking do that when I know my wife is suffering there inside because I wasn't able to protect her!?? Huh!?" nanggagalaiting sabi ni boss sa kapatid niya kaya lalo kaming natahimik lahat. Pinagtitinginan na si boss ng mga taong malapit dito sa emergency room.
Wala ng kumikibo ni isa sa amin at balik na rin si boss sa paglalakad ng pabalik-balik habang nagmumura. Pero nagtataka lang ako kung ano pang ginagawa ng tarantadong Seth na 'to dito at prenteng nakaupo pa na mukhang malalim ang iniisip.
"Hoy! Anong ginagawa mo dito??" napatingin ako kay Gino dahil sa tono niya ay halata namang naiirita siya kay Seth. Pero itong si Seth naman ay hindi kumikibo. Nakayuko pa rin yung ulo niya na parang walang pakialam sa paligid niya.
"Hoy! P*ta bingi ka ba!? Ano?? Sumagot ka ngang taran--"
"Xander! Nasaan ang kapatid ko??" lahat kami ay napalingon kay Michael na kasunod sina Darren at Sam. Galit na galit si Michael habang naglalakad palapit. Nagulat kami nang salubungin siya ng isang malakas na suntok ni boss na dahilan ng pagtilapon niya ng ilang hakbang.
Hindi siya nakatayo at kitang-kita ang pagkahilo niya. Nanlamig naman ako nang makita ko ang galit sa mga mata ni boss. Wala ni isa sa amin ang nagtangkang pumigil nang hablutin ni boss ang neckline ng T-shirt ni Michael. Alam naman namin kung hanggang saan lang kami. At sa away ng dalawang magkaibigan, labas na kami at hindi na kami pwedeng makialam.
"I fvcking told you to lock her down and guard her!! Why the fvck did you let her go!??" sigaw ni boss habang mahigpit na nakakapit sa damit ni Michael. Putok ang labi niya at sinusubukan pa rin niyang makipagtitigan kay boss.
"Sa tingin mo ginusto ko 'yon?? Tinutukan niya ako ng baril dahil sa'yo! Handa siyang barilin ako para lang makapunta sa'yo!" sagot niya kay boss na ikinabigla naming lahat. Inaasahan na namin na susubukan talaga niyang tumakas, pero ang tutukan at barilin ang kapatid niya. Whoa. Ibang usapan na 'yon.
"You shut the fvck up! She will never do that!" sabi ni boss na halatang hindi rin makapaniwala.
"I know! Pero hindi mo nakita yung determinasyon sa mga mata niya habang nakatutok ang hawak niyang baril sa akin! Kitang-kita ko yung pagmamakaawa sa mga mata niya para lang paalisin ko siya! Kaya kahit masakit ay hinayaan ko siyang makaalis.." biglang tumalim ang mga mata ni Michael. "..dahil umasa rin ako sa'yo! Ang akala ko ay magagawa mong protektahan ang kapatid ko--"
"Oh fvck you! I trusted you! If you didn't just let her go--"
"I told you I tried!! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko na tinutu--"
"I don't fvcking care! Still you did let her go that's--"
"Tarantado ka! Oo pinakawalan ko siya! Pero responsibilidad mo ring--"
![](https://img.wattpad.com/cover/36058965-288-k50551.jpg)
BINABASA MO ANG
Married to a Mafia Boss - COMPLETED
HumorPupunta ng school, makikibonding with friends, makikipagkulitan sa family pag uwi .. mga typical na bagay para sa isang college student .. Everything seems fine. until i met this NOT so ORDINARY man. . who eventually turned my world Upside Down.. LI...