Kate’s POVPagkatapos naming mag dinner ni Alec ay nagshower ako agad dahil sa lagkit ng katawan ko. Sa sobrang tense ko kasi hindi ko na napansing natapunan ako ng coke float na iniinom ko kanina.
Grabeng action yun! Parang totoo! Muntik na nga akong mapaniwala kanina eh! Pero di naman nila ako maloloko no.
Isa rin yung Edward na yun! Hindi man lang sinabing action star pala siya! Feeling ko tuloy mukha akong tanga kanina sa shooting eh. Pano nalang kung may talent manager na makapanuod nun? haay!
Si Alec din kanina muntanga na tanong ng tanong kung ano daw nangyari. Tapos nung sinabi kong may shooting ng action film bigla ba namang tinawag si stupid! Naisip ko nga bakit ba nagtatanong pa siya eh naichicka na naman sa kanya ni Edward. Chismakers kaya yun! Feel na feel talaga niyang nasa showbiz siya.
Baliwala nga lang rin pagiging president ko ng drama club nung highschool dahil di ko nagamit kanina. Dibale next time, mag aala Grammy Award Winning Actress ako at sisiguraduhin kong nganga sila sa galing ko! Wahahaha!!
Lumabas na ako ng kwarto at naglakad papuntang hagdan pero di pa ako nakakaisang step pababa ay natigilan na ako.
“Woooow” ngayon ko lang naenjoy yung view ng baba mula dito sa taas ng bahay ni Alec. Mula sa front door ay may malawak na hallway papuntang hagdan tapos meron ding malaking sala. Yung mga paintings at porcelain vases halatang mamahalin. Yung chandelier sobrang ganda! Para siyang mga diamonds na nagshashine sa taas.
Napahawak ako sa railings ng hagdan na halatang gawa rin sa mamahaling materyales. Siguro pati alikabok dito gawa sa silver o kaya bronze.
Naalala ko bigla nung grade school hanggang highschool lagi akong nagpapadulas sa mga railings ng hagdan namin. Gawin ko kaya ulit? hihi mas exciting to kasi mas mahaba yung hagdan.
Bata pa rin naman ako eh. Diba? Diba??
Sumampa ako sa railings at nag umpisang magpadulas “Awwiiiieeehh!!” ang sayyyaaaa!!!
“What the fvck are you doing!??”
Ay kabayo! makasigaw naman to! Tapos nagtatanong pa kung anong ginagawa ko? Eh kita na ngang nagpapahhaahaaa-- “Aaaaahhhh!!!” oh my ghad! nahuhulog ako!! Mamamatay na ako!! waaaaaa!!!
Hindi nga ako namatay sa barilan kanina mamamatay naman ako sa pagkabagok! Sila mother and siblings hindi ko man lang ba makikita muna? Hindi pa ako nakakapag sorry sa executives ni Alec! Hindi ko pa rin nababasbasan yung kwarto niya! Si winnie! Hindi ko pa nahahanap yung nawawalang panty niya! waaaaa! Ang dami ko pang unfinished businessesss!!
Ipinikit ko yung mga mata ko at hinintay na mahulog ang katawan ko sa sahig, pero wala. Waaaaa! multo na ba ako at nakalutang na agad? Parang ang bilis naman?? Pero ok lang. Atleast di ko naranasan ang sakit at hirap ng kamatayan.
“Katherine” waaaaah! si kamatayan nandyan naaa!!
“Shit! Katherine are you okay??” loko to. May namatay bang ok?? Eh kung siya kaya patayin ko maging ok kaya siya? Itong si kamatayan may sayad din eh.
Naramdaman kong naglalakad siya.. habang karga ako! waaaa! hawak ako ni kamatayan!! waaaa-- “Araayy! huhu” walang manners to! ang sakit tuloy ng pwet ko! di man lang kasi magdahan dahang ibaba ako sa couch! “Bakit mo ba ako-- Alec??”
Anong? Paanong--
Waaaaaa! Don’t tell me-- “Oh my ghad! Alec patay ka na!? Hindi mo na ba kinaya yung sakit mo ha??” tumayo ako at hinawakan yung magkabilang pisngi niya “Alec patawarin mo ako kung wala akong nagawa para maibsan lahat ng paghihirap mo. Patawarin mo ako kung hindi ako naging mabuting asawa, ina, kapatid, anak, tiyahin, pinsan, kamag anak, kapitbahay, kabaranggay, karamay, kalamay, kaanay, kaumay---”
BINABASA MO ANG
Married to a Mafia Boss - COMPLETED
HumorPupunta ng school, makikibonding with friends, makikipagkulitan sa family pag uwi .. mga typical na bagay para sa isang college student .. Everything seems fine. until i met this NOT so ORDINARY man. . who eventually turned my world Upside Down.. LI...