Michael's POV
Pumasok ako sa loob ng building kung saan kalapit ang hotel na puntirya ko dala ang luggage bag ko. Sumakay ako ng elevator at nang makita kong maraming nakasakay ay pinindot ko ang 12th floor.
Umakyat ang elevator at ang huli kong nakasabay ay isang matandang babae. Bumaba naman siya sa 10th floor. Nang makarating ako sa 12th floor at nasiguro kong wala ng sasakay ay agad ko 'yong sinara. Pinindot ko ang 'R' button. Nang marating ko ang rooftop ay agad kong sinara ang pinto saka nagsuot ng gloves at mask.
Nilabas ko ang dala kong sniping riffle at inayos ko ang lens no'n. Sunod kong kinuha ay ang binoculars ko at tumingin sa parking lot ng kalapit na building na kahit papaano ay kita pa mula sa pwesto ko. Actually meron pang isang 'di kalakihang building sa pagitan pero sakto lang ang rooftop na kinatatayuan ko sa bintanang pakay ko. Hindi naman ako tanga para pumwesto sa lugar na kitang-kita kaya dito ako pumwesto. May distansya.
Ilang sandali nalang ay darating na sila kaya naghintay pa ako. Pagkalipas nga ng halos 20 minutes ay nakita ko na ang paghinto ng isang magarang limousine na may convoy na dalawa pang kotse. Pumalibot muna ang mga bodyguard sa limousine saka lumabas ang anim.. hindi. Pitong lalaki na mga mukhang hindi marunong magpakabait. Sa klase ng aura ng mga 'to ay sigurado akong ito na ang mga pakay ko.
Naghintay pa ako ng ilang sandali para makaakyat sila saka ko inihanda ang baril ko. Sinagad ko ang lens ng sniping riffle na hawak ko para kitang-kita ang mga ulo nila. "Eennie minnie minimo. Mukhang tae 'yang mukha mo." napangisi ako nang tumapat ang baril ko sa isang matabang lalaki na todo nganga sa pagtawa. "Sayonara" saka ko kinalabit ang gatilyo.
Satisfaction filled me nang makita ko ang sabog niyang ulo na ikinataranta ng mga kasama niya. "You're awesome Rupert. Fvcking awesome." Agad kong niligpit ang mga gamit ko at mabilis ang lakad na bumaba mula sa rooftop. Nang makarating ako sa 12th floor ay sumakay na ako ng elevator.
Pagbaba ko sa parking lot ay agad kong pinindot ang isang pangalan sa speed dial ko. After four rings ay sinagot din niya.
[What?] tanong niya na as usual ay mukhang hindi interesadong kausapin ako.
"Mission accomplished na ako. Anong sunod?" tanong ko habang naglalakad palapit sa kotse ko.
Nakarinig ako ng sandaling katahimikan bago siya sumagot. Pero para akong naestatwa sa kinatatayuan ko nang marinig ko yung sinabi niya.
"What the fvck?? But Xander--"
[No buts- toot toot toot]
Kahit nagngingitngit ang loob ko sa inis ay agad na akong sumakay sa kotse ko. "Siraulo. Pasalamat ka mas matanda ka sa'kin ng limang buwan."
Saktong kakalagay ko lang ng susi sa ignition key ay may naramdaman akong malamig at matigas na bagay na dumiin sa sentido ko. Halos sabay namang bumukas ang mga pinto ng passenger at backseat.
Nakita ko sa rearview mirror ang pag-upo ng isang 'medyo' maarteng babae sa backseat at sa tabi ko naman ay-- "Hindi ka naman siguro sisigaw hindi ba?" tanong niya habang nakatutok ang hawak niyang baril sa tagiliran ko.
Ngumisi ako sa kanya. "Kikidnapin niyo ba ako? Oh my sweet June you don't have to do this. Hahayaan naman kitang pagpiyestahan ang katawan ko kahit pa wala 'to." nakita ko naman ang pamumula ng mukha niya dahil sa sinabi ko. She's so pretty.
"Bastos kang hinayupak ka! Para sabihin ko sa'yo, kahit na ikaw pa ang mag may-ari ng mundo ay hinding-hindi ko pagnanasaan 'yang nakakadiri mong katawan!" nanggagalaiting sagot niya. Biruin niyo yun. Wala pa siyang kalahating minuto sa tabi ko ay napakilig ko na agad siya? Ang galing ko talaga.
BINABASA MO ANG
Married to a Mafia Boss - COMPLETED
HumorPupunta ng school, makikibonding with friends, makikipagkulitan sa family pag uwi .. mga typical na bagay para sa isang college student .. Everything seems fine. until i met this NOT so ORDINARY man. . who eventually turned my world Upside Down.. LI...