Kate's POV
"Good morning sir. Good morning madame."
"Good morning Mr. and Mrs. Cordova"
"Good morning sir and ma'am"
"Good morning din sa inyo!"
Kanina pa nangangalay yung panga ko kakangiti at bati sa mga empleyado ni Alec na bumabati samin. Mula kasi pagbaba ng kotse ayan, bumati na sila ng bumati. Nakita lang na bumati yung isa nakijoin narin silang lahat.
Isa pa tong si Alec ang bilis bilis maglakad akala mo naman may humahabol sa kanya! Hindi na niya ako pinapasok sa school dahil itetrain daw niya ako para matulungan siyang magpatakbo ng CGC.
Nang makarating kami sa elevator ay nakita kong may mga empleyado ng nakasakay.
"Good morning sir and ma'am"
"Good morning din!"
Nilingon ko si Alec na parang wala siyang narinig. Kanina pa rin yan. Hindi siya bumabati o tumitingin man lang sa mga empleyado niya! Salbahe!
Nagtaka ako nung nagsilabasan yung mga tao mula sa loob ng elevator. Napatingin naman ako sa loob. Bakit sila lumabas?? kaya..
Omyghad! O____O
Agad kong hinila yung braso ni Alec nung makita ko siyang papasok ng elevator. "Alec wag kang pumasok! May multo dyan! Waaaaa!"
*glare*
"Stop whining Katherine. Let's go"
Winning? Tumaya ba ako sa lotto? Ba't di ko alam??
Akmang papasok siya pero pinigilan ko ulit. "Hindi ka nga pwedeng pumasok dyan kasi may multo! Tingnan mo nga oh! Nagsilabasan yung mga empleyado mo"
Tumingin siya sa mga empleyado niya saglit saka ako hinila papasok ng elevator. "Pero Alec may—"
"There's no ghost in here Katherine"
"Wala? As in walang wala??"
"Yeah" sagot niya saka pinindot pasara yung elevator nang may maalala ako.
"Saglit! Aww.." iniharang ko yung kanang braso ko para pigilan ang pagsara ng elevator.
"What the fvck Katherine!?" hindi ko na pinansin si Alec at hinarap yung mga empleyado sa labas ng elevator.
"Mga ate at kuya wala raw pong multo. Pwede na po kayong pumasok"nakatingin lang sila sakin na mukhang gulat "Dali pasok na po kayo baka malate pa kayo niyan sige kayo"
"M-ma'am hindi na po. Maaga pa naman po eh. M-mauna na po kayo"sabi nung babaeng nasa unahan. Parang takot sila na hindi mo maintindihan. Nakatingin sila sa likod ko kaya lumingon ako at nakita ko si Alec na walang bakas ng emosyon na nakatingin din sa kanila.
Hinila na niya ako pabalik sa loob at tuluyang sumara yung pinto ng elevator. Parang biglang bumigat yung pakiramdam ko. Parang..
Tumingin ako kay Alec. Para kasing bigla akong kinilabutan kanina nung makita ko siyang ganun makatingin. Kaya siguro natakot yung mga empleyado kanina kasi para siyang robot kung tumingin.
Haay! Kung di ko lang alam na may sakit sa utak to malamang natakot na rin ako. Dapat lagi lang kasing kinakausap tong si Alec para hindi na magmukhang laging namatayan eh.

BINABASA MO ANG
Married to a Mafia Boss - COMPLETED
HumorPupunta ng school, makikibonding with friends, makikipagkulitan sa family pag uwi .. mga typical na bagay para sa isang college student .. Everything seems fine. until i met this NOT so ORDINARY man. . who eventually turned my world Upside Down.. LI...