Drake Brown ;)Kate's POV
Tumingin ako sa maliit na clock sa bedside table. Past 2 am na.
Iniwan kong bukas yung bintana para marinig ko kung may dumating na sasakyan. Bakit wala pa si Alec? Sobrang dami siguro ng trabaho niya kaya di pa siya umuuwi. Eh pano kung magkasakit siya niyan?
Kung bakit naman kasi pagiging human android pa ang naging pangarap ng lalaking yun eh! Haay!
Bumangon ako sa kama at lumabas ng kwarto ko. Bababa nalang ako sa sala at dun maghihintay. Maganda kasing tingnan kung sasalubungin ng asawang babae ang asawang lalaki galing sa maghapong trabaho diba? Galing ko no?? Siyempre hubby ko yun eh ahihihi!
Pababa na sana ako ng hagdan nang mapatingin ako sa kabilang hallway. May maliliit na ilaw na nakadikit sa mga dingding kaya di naman siya nakakatakot. May mga paintings na puro abstract ang theme pero magaganda talaga.
Pumasok ako sa pinto sa left side dahil di naman naka-lock. Isa siyang painting room. Ang daming mga canvases at mga di pa natatapos na painting. Marunong mag-paint si Alec? Magpapadrawing nga ako sa kanya minsan. Hihihi
Lumabas na ako at pumasok sa kabilang pinto. Mukhang ito yung home office ni Alec. May malaking glass window at dalawang di kalakihan na book shelf sa magkabilang side nun. Pero parang hindi naman 'to laging pinupuntahan ni Alec. Wala kasing kahit na anong paper sa ibabaw ng table niya.
Lumabas na ako at lumapit sa pintong nasa dulo ng hallway. Dahan-dahan kong pinihit yung doorknob. Pero hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumilis yung tibok ng puso ko nang makita ko yung loob.
Library. Napakalaking library. Para siyang gaya ng national library na na-feature sa Nat.Geo. Ang tataas ng mga book shelves grabe! May matataas na hagdan din para makaakyat.
Pero ang pinaka nakakuha ng pansin ko ay ang malaking painting na nakadikit sa wall at bumungad sakin. Mga kamay siya na magkahawak pero sa background ay parang..
Magulo..
Madugo..
Malungkot..
Pero ang ganda niya kasi may light na nakapaligid dun sa mga kamay.. It shows hope..
And it shouts familiarity..
Para kasing nakita ko na 'to dati pero hindi ko naman matandaan. Baka naman na-feature din 'to sa Nat. Geo? Imposible naman kasing sa Disney channel ko yan nakita. Wala namang ganyang painting yung mga princesses dun eh. Baka nga sa Nat. Geo yan. Buti nalang nanunuod ako nun kaya matalino ako. Baket? Tingin niyo sakin? Shunga??
Bago ako lumabas ng library ay kumuha muna ako ng story book na mukhang maganda kasi puro butterfly yung cover. Saka ako bumalik sa kwarto ko at nagbasa.
---
Nagising ako nung parang may humahaplos sa buhok ko. Sino bang inggitera ng hairdo yan? Natutulog ako ihh *pout*
*tsup*
Oh.My.Ghad.
"Waaaaaa! Rapissssstt! Aahhhhh!! Tuloooo---"
*dug*
Huh??
"Oh Alec ikaw pala yan. Ba't ka nakaupo diyan? Di uso sa'yo ang upuan??"
BINABASA MO ANG
Married to a Mafia Boss - COMPLETED
HumorPupunta ng school, makikibonding with friends, makikipagkulitan sa family pag uwi .. mga typical na bagay para sa isang college student .. Everything seems fine. until i met this NOT so ORDINARY man. . who eventually turned my world Upside Down.. LI...