Third Person’s POV
Maagang nagising ng araw na ‘yon si Alexander to cook breakfast for his wife. For four years ay ngayon nalang uli naging special ang araw na ito para sa kanya.. and he hopes it will be also for his wife.
Sisipol-sipol pa siya ng favorite niyang kanta habang nagluluto. Nakakagaan sa pakiramdam na magluto ng masarap na pagkain para sa taong mahal mo. Sana ganun din ang nararamdaman ng asawa niya while preparing meal for him.
Ayaw na muna niyang isipin ang lahat ng pangamba niya para sa future nila. Ang mahalaga sa kanya ay ang ngayon na mahal nila ang isa’t isa.
He made bacon, egg, hotdog, fried rice, milk at siyempre pa ay di mawawala ang strawberries na alam niyang paborito ng asawa niya. Nang matapos sa paghahanda ay umakyat na siya at marahang binuksan ang kwarto ng asawa niya.
He doesn’t know kung dapat ba siyang mag-alala o matuwa sa ugaling ‘di pagla-lock ng pinto nito. Nag-aalala siya dahil kahit na sabihing gwardiyado ang loob at labas ng bahay niya ay ayaw niyang isugal ang kaligtasan ng pinakamamahal niyang asawa. But at the same time ay natutuwa siya dahil malaya siyang makalabas-pasok sa kwarto nito. No monkey business. He just want to satisfy himself by watching her sleep.
Nang makapasok ay naabutan niya itong nakadapa at napangiti siya dahil mukhang naikot na nito ng 360 degrees ang buong kama na widespread pa ang arms at legs. Nakasuot lang ito ng oversized shirt na hundred percent sure siya na galing sa closet niya. Napailing nalang siya at nang mailapag niya yung tray na puno ng pagkain ay mabilis niyang tinakpan ng kumot ang lower part ng katawan nito. Isa pang dahilan kung bakit ayaw niyang ‘di ito nagla-lock ng pinto.
He knows very well that his wife is as sexy as a coca-cola bottle but he and his guards are all men for Christ’s sake! Lalaki pa rin naman siya at kahit na gustuhin niyang maging purong RomCom ang story nila.. tinatablan din naman siya! It’s just so freaking funny that he only remembered ‘that thing’ the moment his wife stepped into his life again.
Marahan siyang umupo sa tabi nito at pinakatitigan ang maganda nitong mukha. How he really dreamed to grow old with this woman by his side. Pero alam niyang napakaraming pagsubok pa ang pagdadaanan nila bago mangyari ‘yon. Marami pa..
“Alec? Bakit ka nandito? May multo nanaman ba sa kwarto mo? Eh binasbasan ko na ‘yun ng holy water ah? Teka.. baka kailangan pari pa gumawa nun??” he left out a small chuckle. Naa-amaze talaga siya sa sobrang lawak ng pag-iisip ng asawa niya. Kahit bagong gising ay may baon ng hirit para sa umaga!
He kissed her on the lips before speaking “I cooked breakfast for you” saka niya inabot yung almusal na inihanda niya. “Wow! Hehe may strawberries pa oh! Saraaap!” natutuwa talaga siyang makita yang masayang mukha ng asawa niya. Sana.. Sana lang.. wag na wag ng mawala..
“Honey?” naaalala kaya niya? Siguro naman ‘di ba? “Do you remember something today?” oh please say yes honey! Please say-- “Ah! Oo nga pala! Buti pinaalala mo! Hihi!”
YES!!!
“So.. maybe we should go---”
BINABASA MO ANG
Married to a Mafia Boss - COMPLETED
HumorPupunta ng school, makikibonding with friends, makikipagkulitan sa family pag uwi .. mga typical na bagay para sa isang college student .. Everything seems fine. until i met this NOT so ORDINARY man. . who eventually turned my world Upside Down.. LI...