Chapter 24: Run

56.8K 1.5K 115
                                    


Kate's POV

"..11..12..13! Seriously Kate? Ano yan lucky 13??" turo ni May sa mga MIB sa likod ko medyo malayo samin.

Ano ba naman to si May. Ano bang nakain nito at nagmukhang baraha sa paningin niya yung MIB??

Kanina pa nga sila pinagtitinginan ng mga tao dito sa school dahil sa suot nila. Naka amerikana kase sila. Naisip ko nga baka hanggang sa pagtulog ganyan ang suot nila eh.

"They're so handsome Kate! Oh my gosh!"

Tumingin naman ako dun sa mga MIB. Napano ba tong si April? Malabo na rin ang mata??

"Nga pala Kate, when are you planning to have a baby na ba? I'm so excited to be a ninang-- ouch! June!"

Baby??

"Itigil mo nga yang kagagahan mo! Ang bata pa ni Kate gusto mo na siyang maglabas ng bata!" maglabas ng bata? Saan naman ilalabas yun?

"I'm just asking lang naman eh! Tsaka I'm sure matutuwa yung husband niya when she gave him a child"

Matutuwa ba talaga si Alec nun??

"Saan ba nakakakuha ng baby?" tanong ko na ikinatigil nila

"Hindi yung kinukuha, Kate. Ginagawa"

"Shut up May!"

"What? Nagtatanong siya and I just gave her an answer"

"Paano ba yun ginagawa?" nacucurious talaga ako "diba dapat nabubuntis tapos sa tiyan lumalaki yung baby?" natatandaan ko kasi na sabi nun ni Eris (from chap. 12) na kapag lumobo yung tiyan mo ay buntis ka na. Diba kapag buntis baby ang laman nun? Nagtataka nga ako kung paano napupunta sa loob ng tiyan yung baby. Ano ba yun kinakain?? Kadiri naman ano.

Ganun din kaya ginagawa sa mga baby dolls? Ganun din kaya ang ginawa ni mama sa amin??

"That is when you will need your husband's help Kate" sabi ni April habang nakangisi.

"Yeah. A lot of help maybe" sabi naman ni May na nakangisi rin

"You two shut up!" sigaw ni June sa kanila.

Hmmm.. Tutulungan kaya ako ni Alec? Siguro naman ano??

---

Naglalakad na ako ngayon dito sa loob ng mall at naghahanap ng tindahan ng mga laruan. Nandun kasi yung bibilhin ko para sa paggawa namin ni Alec ng baby.

Nakatingin halos lahat ng mga tao samin. Mukha kasing aattend ng party tong mga kasama ko at naka amerikana pa samantalang ako naka school uniform lang. Hindi naman kasi akma. Naka amerikana tapos gumagala sa mall? Mukha tuloy silang shunga.

May nakita akong tindahan ng mga laruan sa 3rd floor kaya lulukso lukso akong pumasok sa loob. Sinalubong ako ng isang sales lady pero napatigil siya at tumingin sa likod ko. Namumula pa siya.

Tumingin ako sa likod ko pero wala namang ibang tao bukod dun sa mga MIB. Tumingin uli ako dun sa sales lady pero tulala parin.

"Good morning!" sabi ko at mukhang nagulat pa siya. Inunahan ko na siya kasi sa tingin ko wala siyang balak pansinin ako.

"G-good morning! L-looking for a toy ma'am?" nagtataka akong napatingin kay ateng sales lady. "Di ba toys naman po ang tinitinda niyo?"

"Yes ma'am" sagot niya na todo ngiti

"Bakit mo pa ako tinatanong eh obvious naman na laruan ang hinahanap ko? Kaya nga ako pumasok dito eh. Ikaw naman ate oh" narinig kong tumawa yung mga MIB sa likod ko tapos si ateng sales lady biglang sumimangot, pero ngumiti naman uli.

Married to a Mafia Boss - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon