(Please read the AUTHOR'S NOTE at the end of this chapter. Thank you!)
********************
********************FIVE MONTHS LATER...
June's POV
"Pwede ba May! April! 'Yang mga mukha nga ninyo ayusin niyo nga. Nakakaimbyerna!"
"Bakit ba kung magsalita ka parang hindi ka affected?"
"Yeah. You seems fine na para bang all of this is okay with you." natahimik ako sa sinabi nila.
"Anong gusto niyong gawin ko? Magluksa ako??" sila naman ngayon ang natihimik sa sinabi ko at tiningnan ako ng masama. "Kumilos na kayo at marami pa tayong gagawin."
"Pero my feet hurts na June eh!"
"Eh 'di putulin mo." sabi ni May
"Am I talking to you??"
"Bakit ikaw rin ba ang kausap ko??"
"Whatever! Why am I here ba kasi? Pwede namang sa bride's chamber nalang ako so I can put all the efforts to make her the most beautiful--"
Binato ko siya ng throw pillow na nakuha ko dito sa couch ng hotel lobby. Matalim ang tingin ko kay April at gusto ko ng hablutin yung buhok niyang malalaki ang curl.
"Sa tingin mo gusto kang makita ni ate Cherry!? Eh nung pumalpak ka lang sa pagkaka plantsa ng buhok niya halos mapatay ka na niya eh!"
Sinimangutan lang ako ni April habang hinihilot yung talampakan niya.
"Tayo!"
"June naman sandali lang!"
"Kulang-kulang tatlong oras nalang bago ang kasal! Tapos sandali lang!?" hinubad ko yung magkabilang two inched heels ko at akmang lalapit na sa kanila nang bigla silang tumayo.
"Ito na! Ito na! Leche kapag ako hindi nakatikim ng lechon paksiw magwawala talaga ako!"
"June.." lumapit sa akin si April at kumapit sa braso ko. "Hubarin mo muna kasi 'yang sapatos mo! Alam mong busy tayo nagsuot ka pa ng ganyan!" kung hindi ba naman tanga eh nagsuot lang naman siya ng five inches na stiletto. Tanga 'di ba?
"June.. I'm a model kaya!"
"Tss. Model ng mga gaga!" biglang singit ni May
"I know right"
"Dalian niyo mga gaga"
"Nagsalita ang hindi gaga"
Pumasok kami sa reception na hindi tumitigil sa paggagagahan yung dalawa. Pinsan ko ba talaga 'tong mga 'to?? Nagdududa na talaga ako.
Inisa-isa namin sa pagcheck yung mga decorations. Yung mga curtains at designs na combination na kulay ng lavender, pink at royal blue na may konting gold and silver para sa final touch. Yung pagkahaba-habang buffet table na may chocolate at strawberry fountain sa gitna. Pumunta rin kami sa hotel kitchen kung maayos ba ang pagkakatimpla at masarap ba lahat ng mga pagkain na ihahain. Yung mga lamesa kung maayos ang pagkakaayos ng mga gamit sa pagkain. Yung twenty layered na wedding cake na mukha ng higante sa sobrang taas. Yung listahan ng mga guests kung final list na ba yung nakalagay sa may entrance.
Sabay-sabay kaming naglakad at tumuntong sa stage para i-check kung maganda ba ang magiging view ng buong lugar para sa mga ikakasal.
"We did it. Right?" tanong ni April na nakatayo sa kanan ko.
BINABASA MO ANG
Married to a Mafia Boss - COMPLETED
HumorPupunta ng school, makikibonding with friends, makikipagkulitan sa family pag uwi .. mga typical na bagay para sa isang college student .. Everything seems fine. until i met this NOT so ORDINARY man. . who eventually turned my world Upside Down.. LI...