Kate's POV
Gumising ako ng maaga para maghanda ng almusal. Naabutan ko naman si Mang Bruce sa kusina na nagkakape. Mahigit isang linggo na rin akong nakatira dito sa bahay ni Alec at close na kami ni kuya Bruce. Hindi naman pala kasi talaga siya bad. Nakakatakot lang yung pagiging malaking tao niya.
"Mang Bruce si Alec po ba gising na?" tanong ko habang kumukuha sa ref ng mga lulutuin.
"Nakaalis na po siya Ma'am." napatigil ako saglit sa ginagawa ko. "Ganun po ba." saka ko tinuloy ang paghahanda. 5:30 palang ng umaga pero nakaalis na siya.
Mahigit isang linggo na rin akong hindi pinapansin ni Alec. Madaling araw na siya uuwi tapos hindi pa sumisikat ang araw nakaalis na siya ulit. Siguro nagalit siya talaga kasi pinagtawanan ko siya nung sinabi niyang siya si Mr. Cordova. Eh hindi naman niya kasi sinabi agad eh.
Haay.. Sayang naman tong pagkain na-
Waaaah! tama! dadalhan ko nalang siya ng pagkain sa office!
"Mang Bruce pwede niyo po ba akong samahan mamaya sa office ni Alec? Dadalhan ko lang siya ng lunch."
"Sige po ma'am."
Hihi ayos! Sana hindi siya busy mamaya.
—
"Miss bawal po estudyante dito." sabi ni manong guard
"ahh kuya may ibibigay lang po ako kay Alec tapos aalis na rin po ako agad."
"Sino bang Alec yan Miss??" sabi naman nung isa pang guard.
eh?? hindi niya kilala si Alec?
"Papasukin niyo siya." napalingon naman ako sa likod ko. Si mang Bruce.
"S-sir! S-sige po" si mang Bruce kilala nila tapos si Alec hindi? Pambihira sino bang nagpapasuweldo sa kanila??
Habang naglalakad ay napansin kong pinagtitinginan ako ng mga tao dito sa company. Bawal pala talaga estudyante dito. Ang sabi ni mang Bruce sa 38th floor daw yung office ni Alec kaya yun yung pinindot kong button. May mga empleyado naman akong nakasabay.
"Alam mo ba ang usap usapan ay napakaganda at sexy daw ng asawa ni Mr. Cordova. Pero wala pa namang nakaka meet ng personal sa kanya pati yung mga kaibigan ni sir."
Napatingin naman ako sa sarili ko. Parang hindi naman ganun yung description ko. Baka naman hindi ako yung tinutukoy nila?
*gasp*
Baka naman hindi lang ako ang asawa ni Alec?? Tamo yun. Kabago bago palang namin nakasal nangangaliwa na.
"Sa gwapo at yaman ba naman na yan ni Mr. Cordova, sigurado naman akong hindi kung sinong pipitsugin lang ang papakasalan niya."
*ting!*
—
Samantha's POV (Alexander's Secretary)
Galing akong conference room at papunta ng office ni Mr. Cordova para iremind siya about sa meeting. Nahinto ako sa paglalakad nang mapansin kong may babaeng nakatayo sa labas ng opisina ni Mr. Cordova. Bawal ang estudyante dito hindi ba? Hindi naman ako nagulat nang malapitan ko siya at matitigan.
Si Mrs. Cordova.
Nagtataka lang ako kung bakit hindi siya pumasok sa loob. Sa pagkakaalam ko naman nasa loob lang ng opisina si Mr. Cordova.
BINABASA MO ANG
Married to a Mafia Boss - COMPLETED
HumorPupunta ng school, makikibonding with friends, makikipagkulitan sa family pag uwi .. mga typical na bagay para sa isang college student .. Everything seems fine. until i met this NOT so ORDINARY man. . who eventually turned my world Upside Down.. LI...