Kate's POV"Alec anong gusto mo? Caldereta o adobo?"
*No Response*
"May juice dito Alec kung nauuhaw ka na"
*Still No Response*
"Kung hindi ka komportableng kumain dito--"
*Door knocks*
"Sir you have a lunch meeting in 20 minutes at-- Miss Kate!" halatang nagulat si ate Sam na makita ako. Wala kasi siya kanina sa table niya nung dumaan ako.
"Hi ate Sam!" ^___^
"A-akala ko.. should I cancel the--"
"No" tumayo na si Alec saka mabilis na lumabas ng office niya.
"Teka Alec-- Ingat ka ha!?" grabe yung si Alec. Hindi man lang ako pinansin! *pout*
"Miss Kate I'm sorry. Hindi naman kasi pina-cancel ni Mr. Cordova yung meeting kaya akala ko hindi ka pupunta ng lunch. I'm so sorry"
Napano ba to si ate Sam? Grabe makasorry akala mo ninakawan ako ng winnie the pooh collectibles.
"Hala ate Sam hindi! Ok lang" baka mamaya naman kasi maiyak pa to kakasorry niya "Nakakainis lang si Alec *pout*"
Umalis kasi siya agad pagkatapos niya akong ihatid sa bahay niya kahapon tapos hindi siya umuwi. Kanina naman nung dumating ako dito sa office hanggang pag alis niya hindi niya ako pinansin. Ano bang nangyari dun?
"Magiging ok din ang lahat Miss Kate"
---
"Waaaaaa! Kuya Seth!! Ok ka na ba? Bakit naka MIB suit ka na uli? Ano sabi ng doktor? Yung sugat mo magaling na ba ha??"
"Whoaa. Hinay-hinay lang mahina kalaban hahahaha!" mahina daw eh nabaril nga siya. Hindi naman mukhang mahina yung mga yun. "Ok na ako. Salamat"
Tamo to. Ang dami kong tinanong tapos yun lang ang isinagot. Medyo kalahi rin to ni Alec eh. Pareho silang may sayad. Haay!
"Anyway I have something for you" sabi niya saka inabot sakin yung hawak niyang plastic.
OH MY GHAD!
"Waaaaa! Thank you!!!" niyakap ko siya ng mahigpit. Binigyan niya ako ng strawberries at chocolates!! Grabe ang bait niya! "Thank you! Ang bait mo!!"
BINABASA MO ANG
Married to a Mafia Boss - COMPLETED
HumorPupunta ng school, makikibonding with friends, makikipagkulitan sa family pag uwi .. mga typical na bagay para sa isang college student .. Everything seems fine. until i met this NOT so ORDINARY man. . who eventually turned my world Upside Down.. LI...