Chapter 21: Date (part I)

58.9K 1.6K 40
                                    


Kate’s POV

“~I.. wanna dance with somebody! I wanna be with somebody! I.. wanna dance with somebody! With somebody who loves meee~ yeah!” pasayaw sayaw pa ako habang sumasabay sa tugtog.

Excited na ako! Hihi

Ngayon kasi yung date namin ni Alec kaya masaya ako. Diba nga kasi kailangan ko siyang pangitiin para naman magmukha siyang normal? Ang normal na tao kasi ngumingiti. Eh siya hindi eh. Laging parang alien.

Nagsuot lang ako ng black short at white long sleeve na may Winnie the pooh na print. Isinuot ko yung black converse ko at itinali yung buhok ko ng pa-bun.

Pagbaba ko sa sala ay nakita kong seryosong nag uusap sina Alec at yung friends niya. Nag tiptoe ako palapit. Pero pangatlong hakbang palang ay lumingon na sila sakin kaya tumigil ako.

--

Drake’s POV

*Phone rings*

What the hell? Maaga pa ah!? I swear kung sino man tong taran--

[Dude tangina ka! Kanina pa ako tumatawag sayo! Pumunta ka dito sa bahay ni boss ngayon na!]

“Tangina mo rin!”

[Aish! Dalian mo na habang kalmado pa si boss! Toot toot toot..]

Aish! Naman oh ang aga aga pa!

Nagmadali na akong bumangon at naligo. Paglabas ko ng kwarto ay niyakap agad ako ni Venice? Dennice? Trudis? Ahh basta yung babaeng nakabalot ng kumot ang katawan!

“Babe where are you going? Maaga pa” she said while pushing her body to mine.

“Sorry babe pero may trabaho pa ako” sabi ko saka inalis yung mga braso niyang nakapulupot sakin.

Nagmadali na akong nagbihis habang patuloy pa rin yung babae sa panlalandi sakin. “Babe call me ha” sabi niya habang palabas ako ng hotel room “Sure” sabay sibat sa harap niya. Ha! Asa siya! I don’t bed women twice.

Nagmadali na akong pumunta sa parking lot ng hotel at pinaharurot ang aking white Audi RS7. Dahil likas rin naman sakin ang pagiging kaskasero, binilisan ko pa ang takbo ng kotse ko.

Madali naman akong nakarating sa bahay nila Mr. Cordova pero..

“Agghh! Shit!” ang sakit! Sino namang tarantado ang nanikmura sakin!?

“Sorry dude nainis lang si boss” sabi nung gagong si Ed.

Pagtingin ko sa sala ay nakaupo na silang lahat sa couch at halos kilabutan ako sa talim ng tingin sakin ni Mr. Cordova. At dahil ayoko pa namang mamatay ay agad na rin akong umupo.

Married to a Mafia Boss - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon