Chapter 37: Unknown

60.6K 1.3K 45
                                    

June’s POV

“Awwwiiieehhh!!”

Kakatapos lang ng sem break at narito kami sa hallway ng BM Building, NAGLALAKAD. Pwera dito sa siraulong babae na umiikot-ikot dito sa hallway at pinagtitinginan na ng mga tao.

“Hoy babae tumigil ka nga dahil bukod sa mukha kang tanga ay makakabunggo-- shit”

Gaga talaga. Ayan nga at nakabunggo na siya. At sa dinami-rami ng mabubunggo..

“Hi Ms. Weston! Ahehehe shuriii po!”

“It's ok. Anong ginagawa niyo dito?”

Tumingin yung babaeng tanga sa katawan niya tapos sa amin. “Nakatayo po kami pati ikaw. Pwede rin naman tayong tumalon, mag-jumping rope, mag-salsa, mag--”

Ok. Siya lang ang natawa. Ang babaw ng kaligayahan.

“Papunta na ba kayo sa first class niyo? Sabay-sabay na tao”

“Sige! Sigeee!” sabi nung gaga na nagtatatalon pa.

Nakasunod lang kaming tatlo sa kanila habang nag-uusap sila tungkol sa mga walang kwentang bagay.

“--gwapo pa yung kuya ko! Feeling ko magiging compatible kayo sa isa’t isa! Hihihi!”

Napataas ako ng kilay dahil sa sinabi ni Kate. Inirereto ba niya yung siraulo niyang kapatid diyan?? Hindi man lang marunong mamili ang gagang ‘to nakakairita!

“June ang kilay ha. Aabot na ng ozone layer”

“Yeah. Mapapasunog ka ng eyebrow.. literally!”

“Ahahahahaha!!”

“Waaaa! Talaga June?? Ang chochal naman ng kilay mo! Pang NASA! Pwede mo bang isama yung kilay ko? Kahit isa lang sige naaa!”

Tinitigan ko silang tatlo ng masama pati yung professor namin na nagpipigil tumawa. Feeling close!?

“Mga punyeta kayo! Leche!!” sabi ko sabay walk out at inunahan na sila sa paglalakad. Dinig ko pa rin ang mga huling hirit ng mga gaga.

“Problema nun?”

“Na-jejelly lang yun! Ahahaha!”

“Eh? Bakit hindi niya ako binigyan? Parang jelly ace lang pinagdadamot pa”

Married to a Mafia Boss - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon