Chapter 26: Lies

60.6K 1.4K 52
                                    


May’s POV

Nakatikom lang ang bibig ko habang ramdam ko ang titig ni Kate sakin. Tahimik lang sina June at April na halatang nireregister pa sa mga utak nila ang sinabi ni Kate. Alam kong gusto nilang magtanong pero mas pinili nilang hintayin akong magsalita.

“May ano na? Kailan naging kayo ni Edward? Niligawan ka ba niya?” ulit ni Kate sa tanong niya kanina na mukhang di nakakahalata sa kabang nararamdaman ko ngayon. Hindi na nga ako sumagot inulit pa niya. Talaga tong babaeng to di marunong makiramdam!

“Ahmm.. ahhh..” shit! Kung bakit ba naman kasi yun ang naisip kong sabihin? Nahahawa na nga yata ako sa katangahan nitong si Kate.

“Maylene Daelman.. are you.. seriously in a relationship??” tinapunan ko ng masamang tingin si April. Kailangan talagang sabihin ang full name kapag nagtatanong?? Tss.

“Tumigil ka April, may hawak akong bread knife baka maibaon ko to dyan sa bibig mong napaka arte” itinutok ko pa sa kanya yung hawak kong bread knife.

May urgent meeting ang professors kaya nagkalat ang mga estudyante at nandito kami sa cafeteria para mag almusal. Kung bakit pinapayagan ng university ang mga ganitong klaseng gamit at ibang matatalim na bagay, yun ang hindi ko alam.

She just rolled her eyes on me na halatang di natinag sa pananakot ko “I’m just asking lang naman. You should tell us something about sa Edward na yan no. It’s so confusing kaya!” at ano naman ang sasabihin ko? Na sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay lagi akong nabubwisit sa pagmumukha ng lalaking yun??

It doesn’t sound romantic. It’s more like irritating.

Hindi ko inaalis ang masasamang tingin ko sa kanya “Umiiral na naman yang pagiging tsismosa mo. Tigil tigilan mo ako April kung ayaw mong balatan kita ng buhay gamit tong kutsilyo na kawak ko at ipakain ang pira-piraso mong katawan sa friends ko sa planet Neptune!” naiinis na talaga ako. Hindi ba nila ako tatantanan tungkol sa bagay na yan??

“Do you love him?” natigilan ako saglit at marahas na napalingon kay June.

“A-ano??” A-ano bang klaseng tanong yan?

“I said, do you love him?”

“Kailangan bang mahalin ko agad siya? Sa tingin ko hindi naman. Basta masaya kami sa isa’t isa, sa palagay ko sapat na muna yun sa ngayon

Married to a Mafia Boss - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon