Chapter 12: Marked

64.1K 1.7K 96
                                    

Kate's POV

"Kate! Pinapatawag ka ng Dean"

"Bakit daw?"

"Hindi ko alam eh."

Bakit kaya? waaaah! Baka tatanggalan na nila ako ng scholarship dahil may asawa na ako! aaaaah!!

"Kate?" napatingin naman ako kay Eris na Dean's lister din gaya ko.

"Hindi ko kaya. Masakit.. huhu"

"Huh? A-anong masakit?" lumapit siya sakin at hinimas himas yung likod ko. "May nangyari ba?"

Tumingin ako sa kanya at halos gumuho na yung mundo ko "waaaah! huhu ayoko mawalan ng kinabukasan! Masisira ang buhay ko ng maaga! waaaah!"

"Anong ibig mong sabihin Kate? Ano.. ano bang ibig mong sabihin?" tanong niya.

"Hindi ko naman sinadya. Kinailangan ko lang pumayag. huhu" nakita ko naman siyang nagulat.

"Oh my god Kate! Buntis ka!?"

Natulala naman ako sa sinabi niya. Baliw ba to? Wala pang dalawang linggo kaming kasal ni Alec buntis agad??



Pero teka.. pano ba mabuntis?



"Buntis? Pano yun?" para namang nagulat siya sa reaction ko.

"Kapag may laman yung tiyan mo."






huh??






"Kapag busog buntis na?"

Bigla naman siyang napakunot noo. Alec lang ang peg?

"Kate kapag lumobo yung tiyan mo buntis ka na."

So kailangan ng maraming hangin? Pano mapupunta sa tiyan ko yun? Nalulunok ba yun? Napatingin naman ako sa tiyan ko. Wala namang lobo ah?

"Hindi ako buntis" mukha naman siyang nakahinga ng maluwag.

"O sige punta ka na ng Dean's Office."

"Waaah! Ayoko pang mawalan ng scholarship!"

"Ano ka ba Kate? Hindi ka tatanggalan ng scholarship. Pinatawag ka lang."

"Pinatawag lang?" tumango naman siya bago nagsalita. "Pagkatapos pwede ka ng umalis agad." ahh. Akala ko naman kung ano na.

"Okay!" ngumiti ako sa kanya bago tumayo at naglakad papunta sa Dean's Office.

—-

"Have a seat Miss Cordova." napalingon naman ako sa paligid. Nandito si Alec? Eh hindi naman miss yun eh. Mister kaya yun. Tingin niya kay Alec? Bakla?? Tsaka wala naman siya dito. Nababaliw na rin yata si Dean.

"Katherine?" nakatingin lang si Dean na nagtataka. Bakit ba? Eh pinatawag niya lang naman ako. Di naman sinabing mag uusap kami. Kaya bakit ako sasagot?

Huminga muna siya ng malalim bago nagsalita. "This is your official request to acknowledge your new name." saka may iniabot sakin na papel.

Napanganga naman ako bigla. Hindi na ako si Kate?? Eh sino na ako??? Si kokey? doraemon? picachu? sana naman maging winnie the pooh nalang ako *pout*





"You are now Ms. Katherine V. Cordova."

—-

Darren's POV

Married to a Mafia Boss - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon