Chapter 8: Married

66.9K 1.7K 184
                                    


Kate's POV

Nagising ako nang maramdaman kong may humahaplos sa buhok ko. Si mama talaga istorbo. Kita ng natutulog pa ako eh.

"Ma inaantok pa ako. Mamaya mo na--" napatigil ako nang may maalala ako. Waaah! Wala pala ako sa bahay! Umusod ako palayo dun sa humahaplos sa buhok ko. Mamaya niyan si Mr. Cordova pala yun!

"What the hell!?" waaaa---

Eh?

"Waaah Alec! Buti nandito ka na! Wag ka ng umalis! Dito ka lang!" sabi ko saka kumapit sa braso niya.

"I won't leave so get your hands off of me." sabi niya habang nakatingin ng masama sakin.

"Ayaw! *pout*" mas lalo ko pang hinigpitan yung pagkaka kapit sa kanya. Mahirap na baka bigla na namang umalis to.

"Tss. At the count of three. One.. two..."

"Three!" sigaw ko sabay ngiti ng malapad sa kanya. Nakakunot naman yung noo niya habang nakatingin sakin. "Ano na Alec? Hanggang three lang? Bilang tayo hanggang one hundred dali!" niyugyog ko pa siya dahil naeexcite ako. Maglalaro kami ng bilangan!

Hinawakan niya yung sentido niya bago nagsalita. "Aren't you scared?" lalo naman akong sumiksik sa kanya saka tumingin sa paligid. May third eye pa yata tong si Alec di man lang sinasabi.

"S-saan naman ako matatakot?" tanong ko habang tumitingin pa rin sa paligid. "I could hurt you, you know." napatingin naman ako sa kanya bigla.


"Hindi mo gagawin yun." nakita kong natigilan siya sa sinabi ko. "Ilang beses mo na akong niligtas, kaya alam kong hindi ka masamang tao." saka ko siya nginitian ng malapad. Nag iwas naman siya ng tingin kaya mas lalo akong napangiti. Sabi ko na nga ba ginugood time lang ako nito eh. Akala niya di ko siya mahuhuli ha.

"Nga pala, buti hindi nagagalit si Mr. Cordova na nandito ka ulit? Assistant ka ba niya?" nilingon niya ako na nakakunot nanaman ang noo.

"What!?" haay anu ba yan. Napapaligiran ako ng mga bingi.

Lumapit ako sa tenga niya saka sumigaw "ANG SABI KO BUTI HINDI NAGAGALIT SI--asdfghjk!" bastos naman to. Bigla ba namang itinulak yung mukha ko palayo! Salbahe!

"What the fvck are you talking about!?" tamo to. Siya pa galit na di niya naintindihan yung sinabi ko eh hindi naman kasi niya ako pinapatapos magsalita. Hindi ko na uulitin!

Married to a Mafia Boss - COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon