Kabanata 1 : "Five Months""Why did you fucking spilled a drink on me?!" Sumabog ang sigaw ng isang matandang customer na lalaki nang aksidente kong natapon ang isang basong beer sa kanyang hita.
"Eh, sir...bakit ka naman kasi namboboso sa akin?” I asked calmly. “‘Yung ulo mo sir, halos mag-dive sa ilalim ng skirt ko. Ano ba? Inaasam mo na bang maging isda, sir?" Ngayon ay umangat ang boses ko.
Kanina ko pa ito napapansin eh. Halos hindi nga ako makapag-lapag ng orders nila dahil sa lagkit ng tingin niya sa mga hita ko.
Naglalapag ako ng orders sa kanyang table at naramdaman ko nalang bigla ang hininga niya halos malapit sa hita ko!
Mabuti na lang naka-cycling ako at jusko! Baka hindi na virgin for eyes iyong singit ko.
"Bakit nag-mamaangan ka na birhen?" he said with sarcasm. "Paalahanan lang kita! Nasa bar ka miss! Halos lahat ng mga waitress dito pokpok. Kaya wala kang pinagka-iba!" Pagbibigay niya ng bigat sa dibdib ko.
Hindi ko napigilan kaagad ang kamay ko at kaagad na dumapo ito sa kanyang pisnge at sinampal siya ng pagka-lakas lakas. Mariin kong hinawakan ang tray sa kabilang kamay ko at baka isali ko pa ito na isampal sa kanya kung hindi ko mapigilan ang sarili ko dahil sa galit na nararamdaman ko kalbong customer na ‘to.
Ito na ang pinaka-malalang insulto na naibigay sa akin at ayaw ko itong maulit.
Humina ang huni ng mga music at naramdaman ko kaagad ang mga mabibigat na tingin ng mga tao sa palibot namin.
Napalakas yata ang sampal ko?
Nakakahiya man, pero hindi ko tinotolerete ang ganitong pang-bastos sa akin.
"Anong nangyari dito?" narinig ko ang boses ni Ate Nenith ang manager namin.
Umabot ang taas ng kilay niya sa kanyang noo habang naka-cross ang mga kamay sa dibdib.
Binigyan niya ako ng matulis na tingin.
Kahit ayaw ko man kailangan kong subukan magpaliwanag.
"Eh. Ate—"
"Don't call me Ate, we're not close enough Penelope." Inirapan niya ako. Tinignan niya kaagad ang lalaking nambastos sa akin na nakaguhit ang nakakalanggam na ngiti sa kanyang labi.
"Do we have a problem, Sir?" Malambing na tanong ni Ate sa matanda.
Nangunot ang noo ng matandang lalaki at itinuro ako gamit ng kanyang hintuturo. "This bitch slapped my face! Get her fired!" sabi niya na parang isa itong nasa top ten most embarrassing moment niya sa kanyang buhay.
Nanlaki ang mga mata ko at naalarma sa sinabi ng matandang lalaki. Nakatingin ako kay Ate Nenith para sana humingi nang tulong ngunit inirapan niya lang ako at nang nagsalita siya ay parang nawalan ako ng lakas
"Right away, Sir.." she said together as she bow like a trusted servant.
Napunta ang kamay ni Ate Nenith sa pulso ko at walang-awang kinaladkad ako papalayo sa silid na iyon. Nakita ko pa ang mukha ng matandang lalaki na nakangisi sa akin habang kinakaladkad ako.
Sana sinabay ko na lang na tinapun ko na ‘yung tray sa kalbing ‘yun. Sayang.
Nang nakapasok kami sa opisina ng Manager ay halos matumba ako nang bigla niyang binitawan ang kamay ko mula sa mahigpit niyang pagkakaladkad sa akin.
"Ano ang iniisip mo doon, Penelope?!" pauna niyang sermon.
I pressed my lips and pouted. Dahan-dahan akong yumuko at wala sa sariling pinag-kikirot ang aking mga palad.
BINABASA MO ANG
Trouble With The Heir ✓
Romance[ COMPLETED ] Penelope Veena M. Clemonte is frustrated after she got fired from her previous job. She badly needs to work for her father's medical expenses. She prayed that maybe the Almighty wants to provide money for her, and unexpectedly somethi...