Kabanata 23 : THE NEWSPAPER"Anak, nakita mo ba si Max?" Nabigla ako nang kumatok si Papa sa pinto ko.
I opened my eyes lazily and shifted my position. Tinabunan ko ang aking mukha ng unan ko.
"Po?" I answered with my voice muffled.
"Si Max, anak..nawawala. Hindi ko siya nakita sa kwarto niya," Nag-aalalang pahayag ni Papa mula sa labas.
Dahil doon ay napamulat ako ng mga mata. Naramdaman ko ang unti-unting pagkabog ng puso ko ng mabilis.
Bumangon ako at walang sinayang na segundo ay lumabas sa kwarto ko na magulo ang aking buhok.
Nagpunta ako sa kwarto ni Max. I immediately opened it and it revealed a silent, spacious and empty room. Narito pa rin ang mga damit niyang pinapahiram ni Papa but there are no traces of him except the clothes.
Huminga ako ng malalim.
Okay, Penelope. Kalma lang.
"B-Baka may pinuntahan lang, Pa..nag-usap ba kayo kanina?"
Kumunot ang noo ni Papa at kinamot ang kanyang kilay, namomoblema.
"Wala anak, yayain ko sana siya na magpunta ng basakan para magtanim pero nabigla ako ng wala siya sa kanyang kwarto. Pinagtatanong ko sa mga kapitbahay kanina kung nakita nila siya pero sinabing wala. Pupunta na sana ako sa palengke pero ginising muna kita para ipag-paalam na hindi ko mahanap si Max."
Bahagya aking umiling bago sinapo ang aking noo.
Mabuti naman kami kagabi. He even promised that he won't leave because he love me. Hindi dapat ako mag-aalala! He promised Penelope! And the least for you to do to him is to trust him!
Nagpunta kami ni Papa sa palengke at nagtanong-tanong si Papa roon. Nag-split pa nga kami eh, sa kanang bahagi siya ng palengke habang ako sa kaliwang bahagi.
Hindi natapos ang paghahanap namin nang sumapit ang tanghali. Umuwi kami, umaasa na makita namin si Max roon na umuwi, pero kagaya parin kanina tahimik ang bahay.
Kinuha ko ang keypad kong cellphone para tawagan si Jerick, naghahangad na bumalik siya ng bahay namin sa syudad.
"Ha? Hindi ko siya nakita rito eh, tahimik ang bahay niyo, Penelope." pahayag ni Jerick. My heart boomed and it's starting to freak me out.
"Wala ba kahit footprint niya lang?" Halos hindi ko na alam ang tinatanong ko dahil sa sobrang pag-aalala.
"Wala eh, hindi ko talaga siya nakita rito.." His voice trailed off as if he wanted to add something.
"Penelope, parang may palagay ako kay Max. Nakita ko noon ang itsura niya, kamukha niya iyong nasa poster na nakapaskil sa daan. Siya ba iyong Cavallore na pinaghahanap? " He asked seriously.
Tumango kaagad ako at napakagat labi.
"Oo Jerick...'wag mong ipagsabi sa ibang kilala mo, please?"
He sighed behind the line. "Hindi, hindi ko ipagsasabi sa iba at hindi sa pinag-alala kita, sa pamilyang iyan maraming nakatago. Misteryoso ang pamilyang Cavallore, simula nang namatay ang Nanay ni Max. Lalo naging misteryoso ng na-link din sa kanila ang pamilya Falco. Mas pinaka-delikado ang pamilyang Falco. Narinig ko kay Papa na isa daw sila sa main supplier ng pinagbabawalan ng gamot sa bansa. Hindi ko alam kung maniniwala ako, pero Penelope. Delikado siya para sa iyo. Mabuti nga na umalis na siya...dahil hindi natin alam kung ano ang gagawin ng pamilya niya sa inyo."
Ang sinabi ni Jerick ay parang kagaya din ng sinabi ni Callian sa akin. When the nightfall comes, kahit nilalamok, nakamasid pa rin ako sa harapan ng gate ng bahay. Nakaupo ako sa upuan na kinuha ko sa kusina. Expecting him to show up there and express his apology for us, for me because he made us worry pero ilang oras ang hinintay ko roon mula alas dos hanggang alas otso walang pumasok.
BINABASA MO ANG
Trouble With The Heir ✓
Romance[ COMPLETED ] Penelope Veena M. Clemonte is frustrated after she got fired from her previous job. She badly needs to work for her father's medical expenses. She prayed that maybe the Almighty wants to provide money for her, and unexpectedly somethi...