Kabanata 25

297 7 0
                                    


Kabanata 25 : MADE HIM

“Penelope…” Narinig kong tawag ni Aling Bebeng ng napadaan ako sa kanyang tindahan, galing sa palengke. 

She smiled at me when she saw me turn my head towards her direction. Kaagad siyang lumabas sa kanyang tindahan at nagpunta sa harapan ko. 

I smiled lightly. “Ano po ‘yun, aling?” 

She grinned as if she knew something. 

“Sino yung lalaking naka-bugatti na nagpunta dito kanina? Manliligaw mo ba iyon? Yung naka-shades na naka-suit! Grabe ang gwapo!” She shrieked and I slightly flinched. 

Napangiwi ako. “Aling naman..” Reklamo ko. 

Ngumisi siya at sinundot ang aking tagiliran. Napagalaw naman ako sa gilid. 

“Eh, sino nga iyon?” 

Umiling ako. “Wala iyon, kakilala lang siguro ni Papa.” 

She gave me her judging looks. Tila'y hinuhusgahan ang aking sagot. “Sure ka jan? Aba'y impossible naman! Umalis si Fernando bago dumating ang sasakyan na iyon!” 

I scratched the back of my head. Ano ba naman itong si Aling, nagiging primary source of chismis pa naman ito sa purok namin. 

“Tapos ang gwapo! Gwapo as in! Ang tangkad pa—”

“Aling, bombay iyon. Sinisingil si Papa ng utang.” 

Nanlaki ang mga mata at halos hindi makapaniwala sa sinabi ko. “Ano? Mukhang hindi naman iyong bombay—” 

Tumigil sa pagsasalita si Aling ng nag-ring ang cellphone ko sa aking pants. Kaagad ko itong kinuja at sinagot ang tawag. 

Ngumiti lang ako kay Aling at tinuro ang cellphone bilang paalam, bago naglakad habang sinasagot ang tawag.

“Hello…” 

“Penelope…” 

Napatigil ako sa paglalakad ng marinig ang boses na halos hindi ko narinig ng isang buwan. 

I breathe heavily before I continue walking towards our house. “Ezekiel…ano na naman ang gusto mo?” 

“Mag-usap tayo.” Seryoso niyang sinabi. 

“Bakit naman? Ano pa ang pag-uusapan natin? Hindi ka naman na siguro manliligaw sa akin diba?” 

“Yeah, that will be the purpose that I want to talk to you about. Will you accept my invite?” 

Kumunot ang noo ko. “Saan?” 

“In a restaurant. I want to say my goodbye properly…are you free later at 6?” 

Tinignan ko ang orasan sa dingding ng aming bahay at nakitang mag-aalas singko na. 

“Wala akong damit. Is it necessary ba? I think it's not.” 

He cleared his throat. “It is for me, I sent a dress for you to wear. May susundo sa'yo riyan…” 

“Ezekiel…it is not that necessary, please stop—” 

Hindi na niya ako pinataos ng bigla niyang pinatay ang tawag. Kunot noo ko na lamang tinignan ang cellphone ko dahil roon. 

Pinatay niya talaga ang tawag? That's unusual for Ezekiel.  

Hindi tumagal ng limang minuto ay may dumating na lalaking matanda na nakasuot ng suit. Seryoso at mukhang strikto. Nabigla ako ng bigla itong kumatok sa bahay namin at pinapasok ang tatlong tao. Dalawang babae at isang bading para ayusan ako. 

Trouble With The Heir ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon