Kabanata 3

721 21 0
                                    


Kabanata 3 : THE SINGKO-ISA

"Papa! Sobrang payat mo na!" Unang bati ko kaagad pagkapasok ko ng ward. Halos lahat ng mga pasyente at ang mga guest na nasa loob ng ward ay napatingin sa pwesto namin.

Nahagip ko pa na halos mapatalon si Papa sa biglang hiyaw ko.

Kumunot ang kanyang noo. "Anak! Mag-hinay hinay ka naman? Kitang may iniinom ako dito!" sita ni papa sa akin.

Ngumuso ako at nilagay ang maliit ko'ng bag sa isang upuan sa gilid ng higaan ni Papa. Tinignan ko ang dextrose ni Papa.

"May pumunta bang nurse dito?"

"Oo." Sagot niyo at pinagpatuloy ang pag-inom ng tubig.

"Ah, nga pala pa..may ipinabigay si Aling Bebeng sa'yo!" Saad ko at kinuha sa bag ko ang tupperware, hindi ko pa ito nabuksan kanina para surprise kung ano ang ulam ang ibinigay ni Aling.

"Grabe talaga iyang si Bebeng! Milyonarya na ba 'yon?" Halakhak ni Papa at nilagay ang baso sa lamesang nasa kaliwang bahagi ng higaan niya.

Napangisi ako. "Kung nakita mo lang iyong tindahan nila ngayon! At baka mahimatay ka na madaming dumadaksang mga celebrity don!"

"Inuuto mo na naman ako, Penelope."

Ngumisi lang ako at nilapag ang tupperware sa kandungan ko bago ko ito binuksan. Nanlaki ng bahagya ang mata ko at inamoy ang pagkain. "Sarap nito, Papa.."

"Ano 'yan?" Lumapit ng bahagya si Papa sa pwesto ko at tinignan ang laman ng tupperware, maya maya ay ngumisi siya.

"Hula ko si Kumpare Elias ang nagpadala nito?"

"Si Aling Bebeng ang nag-bigay." Sagot ko habang inaayos ang mga pinggan sa maliit ng lamesa. Nilabas ko ang kanin na dinala ko at ang tupperware na may lamang Adobo.

"Kain na tayo, 'Pa."

Kumuha ako ng bangko at umupo roon, sinimulan ko nang lagyan ng pagkain ang pinggan ni Papa, habang ginagawa ko 'yon ay nagtanong siya.

"Maayos ba na trabaho ang pinapasukan mo ngayon, anak?" Biglang tanong niya.

Napatigil ako bigla ngunit sa madaling segundo lang iyon at pinagpatuloy ko rin ulit ang aking ginagawa. Ayaw ko na mahalata ni Papa ang pag-ka hindi ko pagiging komportable sa topic namin ngunit alam ko naman na napansin niya ang biglang pag-tigil ko.

"Wala na 'kong trabaho 'Pa.." Nanlaki ang mga mata niya at akmang magsasalita nang pinagpatuloy ko ang aking sinasabi."Pero pa may nahanap na kaagad ako.." napatigil ako saglit bago nagpatuloy ulit, nakita ko na nag-aabang si Papa sa dugtong ko. "...Ngunit sa susunod na buwan ang umpisa ko at malaki ang sahod..."

Kumunot ang noo ni Papa. "Anong trabaho iyan, Penelope?"

"Ah.." Napaisip ako, shit lang ha..Hindi ko ini-expect na magtatanong siya nito.

"Basta, hindi po siya malaswa.." Ngisi ko na hilaw. Tapos na ako sa paglagay ng pagkain sa kanyang pinggan kaya sakin naman ang nilagyan ko.

"Ano nga iyon? Bakit hindi mo sinasabi?" Kuryoso ang boses at tingin ni Papa sa akin.

"S-Sa'kin na lang 'yun pa, at saka...malaki ang sweldo. Pwede na akong makaka-ipon sa loob ng isang buwan ng isang milyon."

Sana talaga ako ang unang makahanap sa lalaking iyon! Kung hindi patay ako nito kay Papa!

"Magkano sweldo?" Mahinahon na ngayon na tanong ni Papa habang sinisimulan na ang pagkain.

Sasabihin ko ba?

Trouble With The Heir ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon