Kabanata 8

873 19 2
                                        

Kabanata 8 : FIGHT

"Uuwi ka na ba talaga?" Tanong ko ulit sa kanya pagkatapos na maayos ang bike ni Jerick.

Hindi ko alam kung saan siya dahil ayaw niyang sabihin sa akin ang kanyang address, gusto ko sana siyang ihatid sa terminal pero buo ang desisyon niya na tanggihan ang alokko. 

"Oo.." Tanging sagot niya.

Kaya ngayon nakaupo ako sa upuan sa labas ng bahay namin, hindi mapakali ang aking mga paa at tumataas baba ito. Pinagmamasdan ko ang aking mga kapitbahay na naglalaro ng basketball sa maliit na court namin, habag pasulyap-sulyap sa labasan ng kanto; kung saan nakita ko si Max na lumisan.

Hindi ko alam kung bakit sobrang nag-aalala ako kay Max. I mean, malaki naman siya at mukhang matapang kaya niya naman siguro na makipag-laban sa kung sino man makasagupa niya sa daan diba? Ngunit sa halip na makahinga ng maluwag ay parang hindi ako mapakali sa inuupuan ko at gusto ko siyang sundan sa mga dumadating na ideya sa isipan ko.

Ang problema nga lang baka hanapin ako ni Papa at baka may mangyari sa kanya kapag mawawala ako sa bahay ng ilang minuto at hindi nagpaalam.

"Oh, Penelope! Ba't kapa nasa labas? Gabi na!" Lumitaw ang boses ni Ate Ericka gilid ko kaya inangat ko ang tingin ko sa kanya. 

Napanguso ako bigla. "Ate..pwede pakibantayan muna si Papa saglit? May pupuntahan lang ako." 

Kumunot ang noo niya at tinaasan ako ng kilay, nameywang siya at nanliit ang mga matang tinignan ako ng mariin. "Bago to ah? Saan ka pupunta? Hmm..may kikitain ka bang tao?" 

Ipinagpalagay niya bang may jowa ako na hindi ko sinasabi sa kanya?

Awtomatiko naman na umiling ako. "Wala, Ate ah..”

"Oh?" She side-glanced me.

Kumunot ang noo ko sa kanya at mabilis na tumayo. "Yes, basta babalik kaagad ako dito.” Giit ko.

Tinignan niya pa ako ng mariin ng ilang segundo bago bumalik sa dating ekspresyon ang mukha niya. 

Nagkibit-balikat siya at may kinuha siya sa bulsa ng maong shorts niya at nilahad sa akin. 

"Kung aalis ka rin naman bilhan mo akong pandesal, doon sa labas, kailangan ko lang mamaya dahil magpupuyat ako.”

Tumango ako at kinuha ang ibinigay niya. Hindi naman nagtanong pa ng marami si Ate at hinayaan na lamang ako. Hindi rin ako nagpaalam kay Papa dahil plano ko na mabilis lang ako sa aking paghahanap kay Max.

Maya maya pa'y papalabas na ako ng aking purok. Marami akong nadadaanang mga tao habang naglalakad palabas. Halos karamihan sa kanila ay mga kilala kong tambay sa purok namin at habang ang iba nama ay dayo lang rito para magbasketball. Pagkalabas ko ng purok namin ay kaagad naging alerto ang mga mata ko sa paghahanap sa lalaking iyon.

Hindi pa naman siguro iyon nakakalayo diba? Diba?

I pressed my lips together at nag-half run na sinusulyapan ang bawat kanto. Sa kalagitnaan ng tahimik kong paghahanap sa maliwanag na daan ay napatigl muna ako at huminga ng malalim. 

Alam kong mahihirapan ako sa paghahanap sa lalaking iyon kaya naman kapag tinamad ako at mawalan ng gana ay dapat  bumili na ako ng pandesal ngayon sa bakery para deritso ako uuwi sa bahay mamaya. Binigay ko ang bayad sa tindera nang nakabili na at maglalakad na sana ako paalis roon nang biglang pumasok sa aking tenga, ang mga malalabong mga boses na parang may tinatawanan at kinukutya.

Nakita ko ang isang pader na nasa gilid lang ng bakery. Mararaming mga symbolo roon ng iba’t ibang gang sign, isang malaking talong at isang malaking paalala na ‘bawal umihi dito, si ivana lang pwede’ at marami pang iba.

Trouble With The Heir ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon