Kabanata 26

339 11 3
                                    

Kabanata 26 : ARMANO

Days have passed, after that incident and that moment with him, I haven't seen Claudius. Narinig ko lang ang kompanya nila paminsan-minsan ay nagkakaroon ng problema. Hindi ako nanonood ng balita dahil busy ako sa pag-advance study. Sa tagal ko namang hindi nakapag-aral ay baka wala nang naiwan sa akin na brain cells, halos mga scenarios na nangyari sa amin ni Claudius ang pumapasok sa utak ko. Parang mabobo na yata ako, hindi dahil sa hindi ko maintindihan ang mga subjects at topics ay dahil iba ang pumapasok sa utak ko.

Wala namang nangyari sa amin noong nasa penthouse niya ako. It was all normal after I let him cool down his frustration for a minute. I was flabbergasted that I made him that. I never knew I had that effect on him, it was a wonder for a while but I realized it afterwards. It was because of my ignorance about my outfit at the moment.

"Mitochondria is the powerhouse...wait. Na-lesson namin ito noon." Kumunot ang noo ko at tiningnan ang book cover my libre. Napa-tampal na lang ako ng aking noo ng makitang Earth Science G11 ang nakalagay doon.

"Shunga, Penelope.." I whispered to myself. Sinirado ko ang libro at pumili ulit sa naka-pilang libro sa harapan ko. All of these books are from the library but some of them are preloved books from my Mom's neglected box.

But I know, this book is certainly from the library. At hindi ko man lang napansin ang cover nito! Because obviously, everywhere I go I could wonder about how is Claudius' doing!

Lutang talaga ako, lutang sa mga iniisip tungkol sa kanya. He's really renting my mind without a fee.

I was walking silently, palabas ng gate ng school namin when I noticed a black tesla parking in the almost not seen area of the parking lot. Nakikita ko iyon dito dahil agaw pansin talaga ang sasakyang iyon. I avoided my eyes from that view at ambang magpapatuloy sa paglalakad when someone nudge me my side. Halos mahulog ang libro ko sa pagkabangga niya sa akin.

Lalaki iyon na naka-glasses. He was shocked when he saw me st parang wala pang planong magsalita. "Ikaw ba si Penelope Veena Clemonte?" bahagya pa siyang nautal.

"Oo ako, bakit?"

"May nagpapabigay lang sa 'yo nito." he handed me a white envelope I looked at it obviously observing before I decided to take it. Umalis kaagad ang lalaki sa harapan ko at nawala sa mga estudyanteng naglalakad palabas.

Binuksan ko iyon at kinuha ang card sa loob.

Come to the black tesla, I have to give you something..

- Your Max.

Napaawang ang labi ko at pinigilan na ngumiti dahil sa nakalagay na pangalan. This is my nickname for him and he feels like he's living with this name started when I decided to name him after the candy he's selling.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at pumunta sa black tesla. Nag-alinlangan pa ako dahil maraming estudyante at baka machimisan akong naging sugar baby ng may-ari ng sasakyang ito.

Nasa gilid na ako ng sasakyan at hindi ko alam ang gagawin ko kung bubuksan ko na ito ng deritso o hindi na. But I was shocked when the car door opened by itself. Yumuko ako ng kaunti at dinungaw ang sa loob ng sasakyan, holding a bit of my black natural hair so it won't fall on my sight.

"Hop in.." I heard a low baritone voice and I know it's Claudius. Napatingin pa ako sa paligid bago ako pumasok at isinirado ang pinto. I tried to settle myself. Sa labas kitang-kita ko ang nangyari. I was almost concerned na baka makita kami rito but come one! Cavallore si Claudius! Imposibleng hindi tinted tong sasakyan na 'to.

"Anong ibibigay mo?" Tanong ko kaagad sa kanya ng hindi siya tinitignan.

"I miss you.." he answered instead before he took my one hand from my lap and he kissed it longingly.

Trouble With The Heir ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon