Kabanata 12

378 16 4
                                    

Kabanata 12 : BOYFRIEND

“MARAMING salamat talaga sa tulong niyo Penelope at Max!” masayang sinabi ni Nanay Diana. 

Ngumiti ako. “Walang problema po, makakaasa po kayo sa akin!” 

Ngumiti ulit pabalik si Nanay Diana at tinignan si Claudius, a.k.a Max na naghihirap magbuhat ng refrigerator nila mula sa kanilang sasakyan. 

“Bakit nga pala, naka-mask itong kasama mo? Kanina ko pa ito napapansin na naka-mask at hindi kinukuha! Madami ba itong allergy sa paligid? Na pati sa pagkain ay may mask pa rin.” Nagtatakang puna ni Nanay habang sinusundan ng tingin si Claudius papasok ng tindahan.

Ngumiwi ako nang maalala na si Claudius ang nag-iisang tagapagmana ng kayamanan ng kanyang pamilya. To secure na walang makakaalam sa identity niya kailan niya magtiis na mag-mask araw araw. 

How unlucky huh? Kung hindi sana siya umalis sa buhay niya noon ay sigurado akong maayos ang kanyang pamumuhay ngayon, pero iba yata ang simoy ng hangin para sa kanya. At mas naisipan niyang magtago at mamuhay ng mababa gaya namin.

* * * 

“FREE ba kayo ngayon?” Biglang tanong ni Jerald ang anak ni Nanay Diana. Dahil sa pagtatrabaho ko noon pansamantala sa pagkainan nila Nanay Diana ay naging kaibigan ko ang kanilang anak na si Jerald. 

Nag-susuot na si Max ng helmet ng nagsalita si Jerald kaya napatigil ito at napatingin kay Jerald pagkatapos ay sa akin. 

“Oo naman, bakit?” Tanong ko pabalik. 

Kinamot niya ang kanyang batok at parang nahihiya pang sabihan ang gusto niyang ipahiwatig.“Gusto sana kitang imbitahan mag-dinner sa Resto ni Angkol Calor.” sabi niya, halos nautal pa. 

“Ganun ba?” Tinignan ko si Max at nakita siyang mariin ang titig kay Jerald na napunta sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at binaling ulit ang tingin kay Jerald. “Hindi ko alam, eh—uh..kasama ko kasi si Max at hindi pa siya sanay mag-isa sa bahay..” 

Kumunot ang noo ni Jerald at tinignan si Max, ulo hanggang paa na para bang hindi makapaniwala na hindi kaya ng isang malaking lalaki na maiwan sa bahay. 

I could almost hear his thoughts about Max.

“What?” Masungit usal ni Max sa kanya ng napansin siguro ang tingin sa kanya ni Jerald. 

Kumunot ang noo ko sa kanya at kinurot siya sa tagiliran ng pasekreto. He expertly caught my hand and intertwined it with him. Nanlaki ang mga mata ko na napatingin sa kanya at nakita na mariin lang ang tingin niya kay Jerald. Ngunit sa takot na makita iyon ni Jerald ay binawi ko ito kaagad sa kanya. Naramdaman ko kaagad ang pagtingin niya sa akin ngunit hindi ko na iyon pinansin. 

Napangisi na lamang ng hilaw si Jerald at parang nawalan ng pag-asa ang mata.

“Ah, pwede naman siguro isama natin ‘yang kasama mo?” 

“I'm Max and I'm her friend.” Mariin na singit ni Claudius sa gilid ko. Narinig ko ang medyo pag-alinlangan niya pagkasabi ng friend, mukhang ayaw niya yata sabihin o bigyan ng title ang kanyang sarili na ‘friend’ lang ang relasyon niya sa akin.

Napakagat labi ako at tinignan ng matalim si Max sa biglang pag-singit niya. 

“Ah o-okay..pwede naman siguro iyon diba?” Tanong niya ulit ni Jerald.

Tumango ako nang hindi hinihingi ang opinyon ni Max. “Sure!” 

“Convoy na lang tayo? Saan ka sasakay?” Napangisi ng bahagya ni Jerald. 

“Mag—”

“She's driving, hindi pwedeng maiwan ang motor dito.” Mariing usal ni Max.

“Hindi ka marunong mag-drive?” Gulat na usal ni Jerald ngunit sa huli ay parang may yabang ang tono niya.

Trouble With The Heir ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon