Kabanata 19

687 15 6
                                        


Kabanata 19 - INVITATION 

“Nakatulog na ba iyong kasama mo, Max?” Tanong ni Papa. Sa paraan ng pagkakasabi ni Papa ng salitang ‘kasama’ ay parang may tudyo sa kanyang boses. 

Napabuga ako ng hininga.

Nasa kusina ako ngayon, naghihiwa ng sibuyas dahil ako ang magluluto para sa tanghalian namin.

Nilagay ko iyong nahati ko na sa isang bowl at kinuha ang kamatis sa maliit na ref sa gilid ng lababo. Nilagay ko ang bowl sa loob at naalala na kukuha pa pala ako ng isda sa freezer at kailangan pang matunaw ang yelo sa isda.

Ngunit bago ko pa iyon gawin ay naramdaman ko ang presensya ng lalaking nasa likod ko. From the height and how heavy his presence was, I know it's Claudius.

Halos tumigil ako sa paghinga ngunit dahan dahan ay nagbuga ako ng hininga at lumunok.

My hearts were thumping and clenching at the moment. I can't describe it subtly. I feel like I'm so upset about something. 

“May itutulong ba ako?” He asked me.  

Pinatili kong blanko ang itsura ko at hindi siya binalingan ng tingin.“Paki-kuha ng isda sa freezer.” 

“Okay..” At sinunod niya naman. Sumulyap ako sa kanya  at ininalik ulit ang tingin sa hinihiwa nang ambang lilingon siya sa aking pwesto.

“Which one?” 

“Nasa red na cellophane..” I replied coldly.

Kinuha niya iyon at kinuha ang palanggana na itim sa gilid ko bago nilagay doon ang isda. Nilapag niya ang maliit na palanggana sa lababo bago pinaandar niya ang gripo, hinayaan na mapuno ang palanggana bago niya ito pinatay. 

“Ano pa?” He said once he's finished.

Umiling lang ako sa kanya at nilagay na ang kamatis sa isang bowl. Kinuha ko ang bowl ng kamatis at sibuyas bago ilipat sa isang lamesa. Tinulungan niya ako kahit hindi ko naman inutos. 

Habang hinanda ko ang kaldero ay nagsalita siya. “Sorry about her..” Marahan niyang sinabi.

Hindi ko naman siya sinagot at nilagay ang kaldero sa stove. 

“Hindi dapat siya nandito.” He explained like he's having a hard time dealing with that woman and it looks like he can't explain further, as if something is stopping him.

Bakit sino siya? Sino siya sa buhay niya? I badly want to asked him about it but I remained silent. At sa loob ng fifteen minutes ay walang nagsalita. 

Bumuka lang ang bibig niya pero walang salitang lumabas hanggang sa may narinig akong babaeng boses sa labas.

“Angkol! Rinig kong nandito kayo! Nandyan ba si Ericka?” 

Hindi ko narinig ang sagot ni Papa at walang pasabi na lumabas ng kusina. 

Iniwan si Max sa kusina na tahimik lang.

“PENELOPE!” Gulat at galak na banggit ng babae sa harapan ko. She suddenly went to me and hug me tightly, bago kumalas ng yakap.

“Uy, namiss kita! Ang laki mo na ah? San ka nag-aaral?” Masayang tanong niya. Maaliwalas ang kanyang mukha

I smiled half heartedly.“Hindi ako nag-aaral.” 

Napa-O ang bibig niya.“Really?”

Tumango lang ako at pinilit na inaalala siya sa memorya nang nakita niya ang kalituhan ko ay bahagya siyang napasinghap.  “Pasensya na, hindi mo na siguro ako kilala. Ako kalaro niyo ni Ericka noon, yung tinatawag niyong walang ngipin at palaging kalaban kapag nag-eecantadia tayo?” Pag-lalarawan niya at kumunot kaagad ang noo po at pinaliit ang mga mata. Inaalala ang babaeng nasa harapan ko sa memorya. Nung narealize ko ay napangiti rin ako. May naalala nga ako noon na kalaro namin ni Ate Erika na laging taya sa laro namin.

Trouble With The Heir ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon