Kabanata 13 : DRIVE"PA-PICTURE muna tayo bago umalis!" Nakangiting saad ni Jerald at tumayo.
Tumango din ako at tumayo sabay niya. Nakita ko rin sa gilid ng mga mata ko na ganoon rin ang ginawa ni Max.
"Dito po tayo sir.." saad ng waiter at ginabayan kami sa may logo ng Resto Bar. Tumayo kami sa may green na carpet.
Napagitnaan ako nila Jerald at Max.
Lumapit ang waiter sa may camera na mukhang polaroid at sinuri muna ito. "Ready na po ba kayo ma'am?" tanong niya.
Tumango ako at ngumiti, naramdaman ko ang tingin ni Jerald kaya binalingan ko din ito ng tingin.
"Ano?" parang natatawa ko'ng saad.
"Ang ganda mo." Bigla niyang sinabi. Hindi ko alam ang magiging reaskyon ko roon kaya ngumisi lang ako at sinuntok siya sa braso.
"Bulero."
"Mag-pipicture na po ako, say cheese!" ang waiter.
"Cheese!"
"Cheese!"
"Sex." nabigla ako nang sinabi iyon ni Max kaya binalingan ko siya gamit ang gulat at matalim na tingin.
"Isa pa po," Saad pa ng waiter.
Tumango lang ako pero hindi mawala ang irita ko sa binanggit ni Max. Parang hindi naman iyon napansin ni Jerald dahil focus siya sa pagpapicture at malayo din siya kay Max kaya hindi niya ito narinig.
"Come here, Penelope." si Jerald. Bigla niya akong inakbayan,
Wala naman iyong problema sakin, pera naalala ko iyong inakto ni Max kanina nago kami kumain. The dinner earlier can be perceived as awkward. Sino ba naman ang hindi magiging awkward sa sitwasyon na si Max ang nagsimula?
"Okay, na po ba?" ang waiter.
"Opo." I smiled curtly.
"Say, cheese."
"Chees-" naputol ang sasabihin ko nang biglang may humawak sa bewang ko at pilit na pumunta sa gitna namin ni Jerald.
"Dude, anong ginagawa mo?" sa wakas napansin din ulit ni Jerald na sobrang weirdo ni Max!
"Gusto ko nang umuwi." masungit na sabi niya at halatang sumimangot sa gitna ng mask niya.
"Max—” Naputol ang tawag ko.
"Pwede pa bang isa pa?" request ni Jerald.
Umiling ang employee. "Hindi na po pwede eh, dalawang shots lang po ang pwede dito."
Tumango-tango na lamang si Jerald ngunit halata ang bahagyang kabiguan kaya bago ako lumapit sa kanya ay sinulyapan ko si Max na sinusundan ako ng mga mata. Inalis ko ang tingin sa kanya at lumapit ng tuluyan kay Jerald bagotinapik ang kanyang balikat.
"Sa susunod na Jerald," Alo ko sa kanya at nginitian ang lalaking waiter.
"Salamat, ako na mag-babayad."
"Okay, ma'am, right this way po.." sumunod ako sa waiter nang hindi na hinintay ang sasabihin ni Jerald.
* * *
"MAUUNA na ako, sa susunod ulit Penelope!" Pagpapaalam ni Jearld. Kumaway ako sa kanya habang unti-unting nawawala sa paningin namin ang motor niya.
"What was that for Claudius?" kaagad kong tanong kay Claudius. Sinauli na namin ang motor sa bahay ni Aling Bebeng at nag-usap pa kami kunti sa mga chismis na narinig niya.
BINABASA MO ANG
Trouble With The Heir ✓
Romance[ COMPLETED ] Penelope Veena M. Clemonte is frustrated after she got fired from her previous job. She badly needs to work for her father's medical expenses. She prayed that maybe the Almighty wants to provide money for her, and unexpectedly somethi...