Kabanata 28 - WEEP
"PUTANGINA! Tumabi kayo!" Walang pigil kong sigaw sa gitna ng mga taong nagtutumpukan sa gilid ng kalsada nang masulyapan ko ang bangkay ni Papa na nilalamig na habang iniimbistega ng mga pulis. My heart is thumbing painfully at ang naisip ko lang ngayon ay hagkan ang papa ko.
"Penelope, tama na.." iyak ni Ate Ericka sa aking tabi.
"Bawal po kayo dito, Ma'am." sita ng mga pulis.
"Wala akong pake! Papa ko 'yan, putangina niyo! Papasukin niyo 'ko!" Nanginginig kong sigaw habang walang tigil na tumutulo ang mga luha sa mga mata ko at pilit na pumasok sa caution sign pero kaagad akong hinarangan ng mga pulis.
Papa...
I cried hard, napaluhod na lang ako sa sementadong kalsada habang tinitignan mula dito ang bangkay ni Papa sa gitna ng pagtabon ng luha sa aking mukha. I slightly crawled at aabutin sana ito ngunit isa sa mga rescue team ang naglagay kay Papa sa body Bag. I instantly forced myself up at sinundan sila. Bago pa mapasok ng mga rescue team ang bangkay ni Papa sa loob ng sasakyan nila ay pinigilan ko sila.
"Ma'am sa puninarya na lang po ninyo tignan ang itsur—”
“Hindi pa patay ang tatay ko!” naiiyak na sigaw ko. Nagulat si Ate Ericka mula sa malayo.“Penelope!” lumapit kaagad ito ss amin at pilit akong hinila.
“Pleasee! Buhay pa si Papa! Nagcelebrate pa kami ng birthday ko kahapon!” nababasag na iyak ko. Hindi tumitigil at nagpapahinga ang sakit sa aking puso.
Paano? Nasa sala lang kahapon si Papa!
Nag-succeed si Ate Ericka at ilang rescue team na ipagilid kami para ilagay sa loob ng sasakyan ang bangkay ni Papa.
“Ate Ericka..tell me, Ate..hindi pa diba siya Patay? He's still alive! Hindi ‘yan si Papa!” giit ko sa sumasakit kong lalamunan.
Hindi nagpigil ng iyak si Ate Ericka. She caressed my face as she smiled sadly.
“Penelope..”
“Ate! Please! Hindi pa patay si Papa!” sigaw ko at halos gusto kong magwala at sundan si Papa.
“Penny, wala na tayong magagaw—”
Umapaw ang galit at hinagpis sa aking puso. “Anong walang magagawa? Sino ang gumawa no’n kay Papa?! Putangina!” mura ko ulit habang umiiyak nang malakas.
Maraming tao ang nakiusyoso lalo na dahil nasa gilid ng kalsada kami, may mga rider na tumigil para tignan ang nangyari, may mga tao din na nanggaling sa malapit na bahay rito. Papa was thrown brutally on the side of the road, kung saan maraming malalaking talahib at halos hindi mapapansin ang bangkay.
“Penny, kalma..”
“Paano ako kakalma Ate?!” I asked harshly.
“Si Papa ‘yon eh, puta..papa ko "yon eh..” humina ang boses ko habang kinukuyom ang aking kamao sa aking buhok dahil sa prutrasyon. Nagpalakad-lakad pa ako.
May lumapit kay Ate Ericka na babae at nag-usap sila. Maya maya ay inaya ako ni Ate na sundan siya. Halos magpupumiglas pa ako sa gusto niyang gawin. Ayaw kong iwan si Papa, ayoko...ayoko, masakit.
Ngunit wala na akong ginawa nang pinakiusapan ako ni Ate Ericka, alam kong masakit din ito sa kanya. Sinulyapan ko ang sasakyan ng pinaglagyan ng bangkay ni Papa bago ako sumunod kay Ate habang nanghihina. Kailangan pa nila iimbestiga ang nangyari sa ama ko
“Ate, si Papa..gusto ko pa makita si Papa na ngumiti ate, please..” I whispered miserable, my heart is beating painfully and my stomach churned. Hindi ko mapigilang umiyak. Ate Ericka hugged me while we're inside the car. She kissed my hair.
BINABASA MO ANG
Trouble With The Heir ✓
Romance[ COMPLETED ] Penelope Veena M. Clemonte is frustrated after she got fired from her previous job. She badly needs to work for her father's medical expenses. She prayed that maybe the Almighty wants to provide money for her, and unexpectedly somethi...