Kabanata 14

356 13 17
                                    

Kabanata 14 : GUARD

I laughed sarcastically at him and shakes my head. “Ewan ko sayo Claudius, nahawaan ka ba ng kakornihan ni Jerick?” tawa ko. 

Lumunok lang siya sa naging reaksyon ko, at pinilit na maging seryoso kahit parang nahihiya din sa sinabi. Tinaasan ko siya ng kilay, iba ang nararamdaman ko ngayon kesa sa lumalabas sa dila ko, kung sa labas composed at nagawa ko pang tumawa, sa loob naman ay parang dinadaanan na ng bagyong odette! 

“S-Sorry..” marahan niyang sabi. 

Ngumuso lang ako at inabot ang pulso niya.“Tara na nga, ikaw ba ‘yung nagluto ng pagkain sa lamesa kanina?” tanong ko habang papasok na kami ng bahay na hila-hila siya.

“Oo, nasarapan ka ba?”he asked.  

“Masarap, naubos ko yung soup kaya 'yung hotdog tsaka egg na lang yung naiwan. Sorry..” ngumiwi ako nang naalala na kaunti na lang pala ang naiwan sa pagkain na niluto niya.

Sinulyapan ko siya ng isang beses at nakitang parang-aso siya kung makangiti.

“Ano ngini-ngiti mo diyan?”kunot ang noo na tanong ko sa kanya. 

“Nothing, I just don't mind you eating all the foods, I prepared it all for you...” marahan niyang sabi, pumasok ako ng kusina at sumabay naman siya. 

“Kung sa ganoon, kainin ko na lahat ‘to?” sabay sulyap sa kanya habang inaangat ang tabon sa mga pagkain namin sa lamesa. 

Bahagyang nanlaki ang mga mata niya at lumunok. “Ah..sure—” 

Bago niya pa tapusin ang kanyang sasabihin tumunog ang kanyang tiyan. 

Natatawa akong sinulyapan siya na mukhang problemado. Ngumisi ako at humigit ng upuan para sa kanya. “Upo ka na, alam ko naman na pagod ka sa kaka pa impress mo sa akin!” Tudyo ko sa kanya at pucha parang namula din ako sa sariling tudyo ko. 

Kumunot ang noo niya at ngumuso sa tudyo ko. “Penny..” Nahihiya niyang tawag.

Inirapan ko siya,“Parang kagabi lang mukhang selos na selos na boyfriend tapos ngayon nahihiya.” Tudyo ko ulit at pumunta sa may lalagyan ng pinggan. And I'm still hiding what I am feeling at the moment. 

“I'm sorry..” 

“You're acting like a spoiled brat, alam mo ba ‘yun?”

“I am?” Naramdaman ko ang presensiya niya sa likod. Malapit. Kumunot ang noo ko at binalingan siya ng tingin, tumigil lang ako nang napagtanto na nasa likod ko na siya. Pasimple akong lumunok habang nag-uumpisang naglulumpasay sa kilig ang puso ko. 

“A-Anong ginagawa mo?” I tried to take my voice composed as possible. 

“Answer me..” He demanded.

“Claudius..” I warned him. Hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa akin umalis dito pero ang alam ko lang gusto ko pa!

“You're teasing me a lot now, huh?” He said darkly. 

Pinilit ko siyang taasan ng kilay. “Bakit ka na sa ganyang posisyon? Crush mo ‘ko no? Aminin mo na!” 

“So, what if I am? What would you plan to do? Hmm?” He asked, teasingly. 

Lumunok lang ako at umiwas sa kanya ng tingin. Hindi na pinansin ang posisyon namin at nanginginig ang kamay na kumuha ng pinggan. Halos mapatalon ako sa kinatatayuan ko nang may naramdaman akong humawak sa aking kamay, napalunok ulit ako at kumunot ang noo.

“Claudius?” I said nervously. 

Claudius chuckled.“Why are you so nervous? Kukuha lang ako ng kutsara at pinggan.” He said as he started to vibrate with his laugh. 

Trouble With The Heir ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon