Kabanata 4

542 14 2
                                    


Kabanata 4 : THE BICYCLE RUN

“Pa! Pumasok ka na, tama na 'yang kaka-kaway mo diyan sa kanila, ano ka kandidato?” sarkastiko ko'ng sinabi habang nilapag ang malaking back pack sa upuan namin na gawa sa kahoy.

“'Di pa ako pwede uminom pare! Kailangan ko maging malusog HA HA HA. Magsabong na lang tayo ng manok!”

Kumunot kaagad ang noo ko. “Pa! Anong sabong yan?!”

“Wala, anak..hehe.” Hilaw na humalakhak si Papa at pumasok na sa maliit naming bahay.

“Kain na tayo! Luto na ang pagkain!” Pahayag ni Ate Ericka mula sa kusina hindi malayo sa sala namin.

Nag-inat si Papa ng kanyang katawan.

“Kain na naman tayo!” sabi niya na may malawak na ngiti. “Talagang ang swerte namin sa chef kong pamangkin!” sambit ni Papa nang umupo siya sa kanyang upuan sa dining table namin.

Kulet talaga neto.

“Hugasan mo muna iyang mga kamay mo, Tito. Nanggaling ka pa naman ng hospital.” pahayag ni Ate Erika.

“Ay—" Tumawa si Papa. “Nakalimutan ko! Sobrang makalimutin ko na yata. ” Iling-iling na tumayo si Papa at lumapit sa maliit namin na lababo.

Lumapit ako kay Ate Ericka at tinulungan siya sa pagkuha ng pinggan at lalagyan ng ulam namin. Ilang minutong paghahanda ay nagsimula na kaming kumain.

Sa kalagitnaan ng pagkain namin ay nagsalita si Ate. “S'ya nga pala, Wala na tayong stock na mga gulay dito at karne! Kailangan mo yata mamalengke mamaya, Penny.”

Tumango ako. “Sige sige, hihiramin ko 'yong bike nila Jerick.” sagot ko at ngumuya ng karne.

“Eh, diba s'ya yung may gusto sa'yo?” Simpleng tanong ni Papa pero alam kong gusto n'ya lang malaman kung ano ang relasyon namin ng kapitbahay.

“Oo at hindi ko s'ya gusto,” Pasimple ko'ng iniurong ang aking mga mata.

Si Jerick 'yong tumawag sa akin noong araw. Alam ko na may gusto s'ya sa akin pero hindi ko feel magkajowa ngayon.

Maayos naman siya, ilang inch ang tangkad sa akin, may pagkayumanggi ang balat at maganda ang kanyang ngiti ngunit sa kabila nang kanyang pang-labas na anyo, hindi ko maiimagine ang sarili ko na maging jowa s'ya.

“Eto ang bilhin mo, nasa listahan lahat.” Binigay ni Ate Ericka sa akin ang napunit niyang papel galing sa kanyang notebook at tinanggap ko iyon.

Nagkamot s'ya ng ulo. “Pasensya na, wala akong perang pang-dagdag sa pamamalengke mo—”

Nanlaki ang mga ko at umiling kay Ate. “Hindi Ate, ayos lang! Ako pa dapat mahiya sa'yo eh!” usal ko.

“Pasensya na tal—”

Ngumiwi ako at pinutol ang kanyang sasabihin. “Sabing ayos lang talaga Ate! Tutulak na nga ako!” Kinamot ko ang aking ulo at naglakad na sa gilid ng bahay namin kung saan ang bike na hiniram ko sa kapitbahay ay nakasandal roon.

Tumawa si Ate Ericka. “Joke lang insan, 'wag high-blood! Ge, mag-aaral pa'ko ingat sa pamamalengke. At 'wag mo pala kalimutan ang kape na nakasulat diyan, need ko yan mamaya.” habilin niya bago pumasok ng bahay.

Nilagay ko ang papel sa wallet ko at nilagay iyon sa basket ng bike bago ako sumakay at nag-balance. Hindi nagtagal ay nag-pepedal na ako papuntang palengke. Nakalimutan ko yata na ang init-init ngayong araw.

Naramdaman ko ang hapdi ng sinag ng araw sa aking balat at ang mga mata kong halos ipikit ko sa sobrang init.

Maya maya ay napagdesisyonan ko na mag-stay muna sa isang tindahan para magpalipas ng init at uminom ng pampalamig.

Trouble With The Heir ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon