Kabanata 11

354 16 3
                                    


Kabanata 11 : SWEAT

“Nandito na tayo..” Anunsyo ko. 

Naramdaman kong bumaba si Claudius mula sa pagka-angkas sa motor at napatitig sa pwestong nasa harapan namin.

“What is this?” he asked slowly, obviously confused to what he sees now.

Itong pwesto kasing ‘to ay almost 1 year abandonado kaya maraming alikabok sa bawat parte ng tindahan na.

“Are you serious, Penelope? What is this place? Dito ka ba nagtratrabaho?”gulat niyang tanong sa akin. 

Napairap ako.

“Noong highschool pa lang ako ay dito na ako nagtatrabaho para kumita ng salapi kaya natuto din ako mag-drive dahil walang delivery ‘yung nagmamay-ari nito. Isang nasa mid 50's na babaeng biyuda at ang mga anak ay nasa ibang bansa kung kaya't nang nalaman niyang naghahanap ako ng trabaho ay kaagad niyang inimbitahan ako magtrabaho sa kanya at maging delivery girl.” 

Hindi siya makapag-salita. Napaawang ang kanyang mga labi. 

“Ang negosyo niyang ito ay puro kakanin, like poto, cassava cake, at marami pang iba. Kadalasan ay ang mga nag-oorder dito ay may mga okasyon like birthdays, anniversary, weddings and etc.” dagdag ko. 

“And what will we do?” He asked, as if walang clue talaga sa gagawin namin. 

Pinark ko ang sasakyan na malapit sa pader at umalis doon. Pumunta ako sa harapan ng tindahan at tinuro ang pintong may lock. “Nakita mo ‘yun?” I asked. He nodded, clueless.

I smiled at him.“Papasok tayo diyan..” 

“And?”

I rolled my eyes at him. “Lilinisan natin ‘yan!” masigla kong sinabi. 

Nanlaki ang mga mata niya.“W-What?!” 

I smirked at hinawakan ang pulsuhan niya para mahila siya papunta sa pintuan. 

“Are you serious about this, Penelope?” Hindi makapaniwalang tanong niya.

I hissed habang hinanap ang susi na pinatago sa akin ni Nanay Diana sa shoulder bag ko. Nang makuha ko iyon ay binuksan ko ang lock nito bago kinuha ang kadena na nakasabit sa hawakan nito at binuksan na kaagad ang pinto. Napa-ubo at napa-paypay ako sa paligid dahil sa alikabok na lumilipad sa biglang pagpasok ko. 

“Pasok Max!” I ordered. Halos pinipigilan niyang huminga ng makapasok na siya. 

“OA mo max, hindi naman mabaho.” sabi ko at lumapit sa lamesang maraming alikabok at lawa nilagay ko doon ang bag at tinanggal ko ang aking helmet. “Max, tanggalin mo din ang helmet mo at tsaka nakita mo ba ‘yung light switch sa gilid ng pinto?” He looked back at the door, habang tinatanggal niya ang helmet niya at tumango sa akin nang makita ang light switch.

Kinuha ko helmet niya sa kamay niya at nilagay iyon sa lamesa.

Maya-maya ay umandar ang light bulb sa loob.  Humanap kaagad ako ng walis na paypay at nakita ko ito sa gilid ng pinto, may tatlong walis pay-pay, dalawang walis tingting at isang dust pan. Kumuha ako ng dalawa at binigay kay Claudius ang isa.

“May task ako para sa‘yo, linisan mo ang sahig at ako naman ay sa labas mag-aayos, pagbutihin mo ha?” I said at the same time reminded him.

Napatingin siya sa walis pay-pay na payat na para bang may problema siya doon pero tumango din naman kalaunan. 

Nasa labas na kaagad ako hindi pa nag-ilang minuto. Winawalis ko ang nag-mimistulang takip o malaking window ng tindahan para sa mamimili, nasa kalagitnaan ako sa paglilinis nang may narinig akong boses ng ginang. 

Trouble With The Heir ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon