Kabanata 7 : SWEAT
Sa bahay na kumain ang dalawa ng tanghalian dahil inaya kaagad sila ni Papa. Bumili pa nga ako ng isang litrong coke para may pampanulak.Tahimik kami habang kumakain ngunit minsa'y binabasag ni Papa ang katahimikan sa pag-tatanong niya ng kung ano-ano sa dalawa. Naging dahilan kung bakit medyo hindi naging komportable si Max. Lalo pa nang tinanong ni Tatay kung bakit kulay asul ang kanyang mga mata at kung bakit may tabon pa ang kanyang mukha ay parang naubusan siya ng tubig kakalunok.
At Oo! Naknang!
Hindi inalis ni Max ang tabon niya sa mukha kahit kumakain! Pinapasok niya lang iyong kutsara na may kaunting kanin at ulam sa ilalim ng tabon niya.
Kanina pa ako nawieweirduhan sa lalaking ito. Kani-kanina lang ay nanghingi ng tinidor sa amin at ngayon ay kung makagamit ng tinidor ay parang anak mayaman!
Ngunit hindi ako kumbinsido na anak mayaman siya. Dahil diba? Sa pananamit niya at sa paraan ng pakain niya ay parang alam mo talaga na may seryosong pinagdadaanan itong si Max.
Sa kakagamit niya ng tinidor ay nahulog niya iyong karne habang pinapasok sa tabon niyang bibig.
Narinig ko siyang tumikhim pagkatapos namin masilayan ang pagkahulog niya ng karnne.
"So-sorry.." He murmured.
Napangiwi na lamang ako.
Ilang minuto pa ay natapos ang pagkain namin at kaagad na nag-paalam na lumabas si Jerick para patuloy na ayusin ang bike ngumiti lang ako sa kanya.
Tumayo kaming dalawa ni Ate Ericka para linisin ang lamesa habang si Papa naman ay dumeritso kaagad sa TV. Tumayo siya sa harapan ng TV habang ang isa niyang kamay ay nasa gilid ng kanyang beywang. At seryosong nakatingin roon.
Ang isang lalaki naman na si Max ay nasa likod ko, hindi ko nga alam kung bakit siya nasa likod ko habang may hinuhusgasan akong pinggan sa lababo. Mukha siyang anak na hindi binibigyan pansin ng magulang.
"May kailangan ka?" Baling ko sa kanya nang naramdaman ang kanyang presensya
Pagbaling ko sa kanya ay nakita ko siyang tintignan ang mga pinggan sa lababo na hinhugasan ko ngayon. Napakunot ang aking noo.
"Do you need h-help?" Tanong niyang bahagya na nautal.Hindi pa rin nakatingin sa akin dahil parang nakapokus ang tingin niya sa mga pinggan na parang gumagawa ng paraan sa utak niya kung paano gagawin o paano huhugasan ang mga ito.
Ngunit sumabat si Ate. "Wala na Max, kami na ang bahala ni Penelope dito. Magpahinga ka na lang muna doon sa sala. May electric fan roon si Angkol. Parang ako ang mahihimatay sa suot mo eh." Diretsong sinabi ni Ate. Napakagat na lang ako ng labi para pigilan ang mahinang tawa.
Hindi sumagot si Max kundi ay tumango na lamang ito at bumaling sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit?"
Umalon ang kanyang leeg. "Can I..?"
Kumunot ang noo ko. "Bakit ka pa mag-papaalam sa akin, hindi naman-"
"For courtesy, Penelope!" sabi ni Ate na mapagkamalan ko ng chismosa habang pinupunasan niya ang lamesa.
Si Max naman ay parang statue lang na nakatayo sa harapan ko na para bang amo niya ako at kung anong sasabihin ko sa kanya ay susundin niya ng walang pag-aalinlangan.
BINABASA MO ANG
Trouble With The Heir ✓
Romance[ COMPLETED ] Penelope Veena M. Clemonte is frustrated after she got fired from her previous job. She badly needs to work for her father's medical expenses. She prayed that maybe the Almighty wants to provide money for her, and unexpectedly somethi...