Kabanata 2

709 19 1
                                    


Kabanata 2 :  THE MAX MAN

Nakauwi ako sa araw na iyon na bagsak kaagad ang aking katawan sa kama.

Ilang oras pa akong nagpahinga bago ko napagdesisyonan na mag-ayos at maligo para sa pagpunta ko sa hospital.

Bago ako natulog kanina ay tumawag si Ate Ericka sa akin na may quizzes raw siya mamayang hapon kaya ako naman ang mag-babantay kay Papa.

Ayon kay Ate Ericka ay malapit na naman daw papalabasin si Papa, need lang ng kaunting check ups sa doktor at ang go signal nito.

Lumabas na ako ng bahay at sinara ang pintuan. Naglakad ako habang tinatali ko ang aking mahabang buhok. Pagkalabas ko sa kanto ng aming bahay ay kaagad na bumungad sa akin ang maingay na paligid.

“Shoot!”

“Oh, Tanga!”

“Hahaha, Kami lang sakalam!”

Nagbabasketballan na naman sila, ganito sa amin kapag hapon ang ingay ingay na akala mo may fiesta.

“Penelope!” tawag sa akin ng isang boses nang dumaan ako sa maliit nilang court.

“Jerick!” kumaway ako at ngumisi.

Namula ang pisnge niya.

“Yieeee! Nagpapa-goodshot ka na naman kay Penelope ’no?”

“Penelope, pwede ka ba daw ligawan?!”

Naghiyawan sila. Ngumisi ulit ako at pinag-krus ang aking mga kamay at umiling.

Naghiyawan ulit sila.

“'Wag kang mawalan ng pag-asa, manok ko!” hiyaw naman ng isa.

“Saan punta mo, ineng?” bati ng isang boses. Ngumiti ako sa pinang-galingan boses na si Aling Bebeng.

“Bibisitahin ko lang po si Papa sa hospital.”

Nanlaki ang mga mata niya at bahagyang nagpanic. Si Aling bebeng ang famous na nagtitinda samin ng turon, lumpia, banana cue, cassava cake at kung ano ano pang kakanin.

“Ganun ba?” May kinuha siya sa likod niya kung saan may lamesa.

“O ‘siya eto! Sabihin mo kay Antonio nirequest 'to ni Elias na lutuan siya nito! at magpagaling na sana siya, 'yung kumpare niya miss na miss na daw siyang makipag-inuman.” pahayag ni Aling habang inilahad sa akin ang isang tupperware.

Umiling ako na natatawa habang kinuha ang nilahad ni Aling bebeng. “Sige at babatukan ko talaga si Papa kapag iinom kaagad siya na bagong pa lang siya labas ng hospital!” banta ko na may halong tawa.

“Naku! Sana'y maghanda na pala s'ya pagkalabas niya. May nagbabantay na pala sa kanya.” hiyaw niya na tunog natatawa.

Ngumisi ako at bahagyang tinaas ang tupperware.“Salamat dito, Aling. Tutulak na ako!”

Tumango siya at ngumiti. “Ingat!”

Pagkatapos ng eksena'ng iyon ay nagpunta na ako sa terminal ng mga multi-cab para maghanap ng masasakyan papuntang Enstrada kung saan naka-locate ang hospital na ina-admit si Papa.

Ngumuso ako at napahwak sa beywang nang tumagal ako ng ilang minuto roon ay wala pa ang sasakyan ko.

“Saan ka patungo ineng?”

Napabaling ang tingin ko sa matandang lalaking nag-tanong. Hula ko'y isa itong nanawag ng mga pasahero.

“Enstrada po, Manong.” sagot ko kaagad.

“Ganun ba? Umupo ka muna ro'n! Dahil minuto pa ang hihintayin mo,” sabi niya

“Bakit po?”

Tumawa siya. “Nagka-problema yung sasakyan ng huling nakaterno dito eh kaya kailangan pang mag-hintay, pero 'wag kang mag-alala hindi aabot ng isang oras ang pag-hihintay mo!”

Trouble With The Heir ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon