Kabanata 9

364 16 12
                                    

Kabanata 9 : HEIR WANTED

Napamulat ako ng aking mga mata at naramdaman ang malambot na hinihigaan. 

Pumasok sa tenga ko ang pagbibiyak ng kahoy sa labas. 

Napakurap-kurap ako at sinuri ang paligid. Nakita ko ang lumang bag ko noon sa eskwela na nakasabit sa likod ng pinto at iilang drawer sa likod na nilalagyan ko ng damit ko. Doon ay napagtanto kong nasa kwarto ako.

Dahan dahan ay bumangon ako at naupo sa higaan ko, unti-unting natulala nang parang baha na pumasok sa akin ang memorya mula kahapon. 

Si Max na umuwi. Sinundan ko. Nakita ko siyang nabugbog. Tinulungan ko siya. At sa huli ako naman ay nabugbog at nawalan ng malay. 

Ang saya naman. 

Napailing na lamang ako. Ano na kaya ang nangyari sa mga lalaking iyon?

Umihip ang munting hangin dahilan kung bakit gumalaw ang kurtina sa aking bintana. Dumudungaw ang sinag ng araw mula sa aking bintana at alam ko na kung wala siguro ang kurtina doon ay sumampal na ang init ng araw sa mukha ko. 

"Tignan mo nga si Penelope, kung gising na!" 

"Opo, angkol!" Rinig kong mga boses sa labas ng kwarto at kasabay nito ang pagtunog ng doorknob ng pintuan ko hudyat na may nagbubukas. Bumungad si Ate sa akin na dumungaw sa pintuan. Nanlaki kaagad ang kanyang mga mata at napuno ng pag-aalala ang kanyang mga mata nang nakita na gising na ako.

"Penelope! Jusko! Pinag-aalala mo kaming babaeta ka!” 

Lumapit siya sa kama ko at umupo. Sinapo niya ang dalawang pisnge ko at inubserba ang buong katawan ko. Dumapo rin ang kanyang kamay sa tiyan ko. 

I flinched a bit when I still felt the pain from the punch. 

"Okay ka lang? Masakit pa ba ang tiyan mo? Naku, Naku! Grabi ang pagpapanick namin ni Angkol nang makita kang walang malay sa bisig ni Max kagabi! Jusko!" 

Sa pagbanggit pa lamang ni Ate ng pangalan ni Max ay bigla ko rin naalala na napuruhan din pala ang lalaking iyon sa paa.

"Nasaan si Max?" Tanong ko. 

Sumimangot siya."Anong nasaan si Max? Tinatanong ko kalagayan mo Penelope hindi ka sumasagot! Gusto mo ba ng tubig?" Tumayo siya bigla. Lumunok ako at tumango sa kanya pero bago ko pa matapos ang tango ko ay bigla siyang lumabas ng kwarto ko para kumuha na ng tubig. 

[ MAX POV ]

"Maayos ka lang diyan, boy?" Narinig ko ang boses ng Papa ni Penelope habang nag-sisibak ako ng kahoy sa  bandang likuran ng bahay nila. 

Tumigil ako sa pag-sibak at pinunasan ang noo ko bago binalingan ng tingin ang Papa ni Penelope. 

"Oho.." sagot ko. 

"Kailangan mo ba ng tubig?" Sunod niyang tanong.

Uhaw ako pero ayaw kong sabihin iyon sa kanya. I'm just a nobody here, kaya ko kumuha ng sarili kong tubig. Hindi na ito katulad ng dati kong buhay. 

Iiling na sana ako pero ngumisi lang siya. "Jusko. Nahihiya ka lang siguro sa akin boy 'no?" 

Hindi ako nakaimik.

Umiling-iling siya na natatawa. "Sus..kahit sa ayaw o sa gusto mo, dadalhin kita ng tubig! Alam ko ang pakiramdam na mag-sibak ng kahoy. Noong sa kapahunan ko ay kailangan ko rin mag-sibak ng kahoy para ligawan ang minamahal kong asawa." Umiling-iling siya at may munting ngiti sa labi nang naalala ang memoryang iyon ngunit bago pa ako makapag-salita ay tumalikod na siya at naglibot para makapunta sa front door ng bahay nila. 

Trouble With The Heir ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon