Kabanata 5 : WEIRD"Shit.." Mura ko nang nakita ang kandena na parang jelly ace na sumampay sa ilalim ng bike. Nakita ko rin ang pagka-flat ng tire ng bike sa likod.
Napangiwi ako at napatingin sa lalaki.
“You're heavy.” he answered the obvious question.
Tinignan ko siya ng matalim at inirapan
Ilang minuto ang lumipas nang nag-simula ang habulan at ilang minuto rin kaming nanatili dito sa kanto para masiguro ang kaligtasan namin. Napagdesisyonan ko na i-check ang bike kung may sira ba or wala ngunit nang nakita ko ang kalagayan nito ay parang nanlamig ako bigla.
Naknam, hiniram ko lang 'to kay Jerick. Ano na lang ipambabayad ko dito?
Napabuntong hininga ako.
"Bakit mo ba kasi kinuha ang bike ko?” I asked calmly.
Ngumiti ako sa kanya na may matalim na tingin. “Kung hindi mo sana kinuha ang bike ko hindi ito mangyayari!" Sigaw ko sa kanya.
Iniwas ko ang tingin sa kanya at bumulong-bulong. "Hindi pa naman 'to sa'kin..pucha saan ako kukuha ng pera nito?"
"I'm sorry.." bigla niyang sinabi sa marahan na boses.
I hissed. "Ano ang magagawa ng sorry mo ngayon? Eh, sira na ang bike!" Tumayo ako sa pag-kasquat at hinarap ang lalaki.“It can still be fix..” Sagot niya pa.
He is tall. He towered me by his height and I can't help but to get awed a bit. I could also see his blue ocean eyes staring at me.
Kumabog ang puso ko at naningkit ang aking mga mata nang may naalala na lalaki na familiar sa akin.
"Ikaw ba 'yung Max man sa terminal?" naningkit na mga mata ko na tanong.
Expect ko na sasagot siya ng 'hindi' ngunit iba iyon sa naisip ko na isasagot niya.
"Yes, I am.." Lumunok siya. He looked away.
Napaawang ang aking mga labi. “Tama nga ako! Bakit ka nasungkot sa gulo na ‘to?! At nasali pa ako!” sabi ko na halos sumigaw.
Umalon ang kanyang adams apple.
“I can't tell. I'm sorry.”
“Sorry ka diyan, hindi na maibabalik ng sorry mo ‘yung sira ng bike!” I exclaimed.
Unti-unti na naman gumagapang ang inis ko sa aking katawan. Huminga ako ng malalim.
Nakita ko ulit siyang pinagmasdan ako at umalon ulit ang kanyang adams apple.
Kumunot ang noo ko bago nameywang.
"Alam mo ba. . . Palagi kitang napapansin na lumulunok? Anong nilulunok mo d'yan at parang papatayin yata kita?”
Hindi siya umimik at umiwas ng tingin sa akin, kaya nagsalita ulit ako.
"Hindi sa pagiging mahangin, Max ha?"
Lumunok siya kaya mas determinado ako sabihin ang sarili ko na theory. Kahit nakakahiya man.
BINABASA MO ANG
Trouble With The Heir ✓
Romance[ COMPLETED ] Penelope Veena M. Clemonte is frustrated after she got fired from her previous job. She badly needs to work for her father's medical expenses. She prayed that maybe the Almighty wants to provide money for her, and unexpectedly somethi...