Kabanata 6 : WOUND“Pasok tayo dito..” Sabi ko at pumasok kami sa isang kanto kung saan patungo sa aming bahay. Tahimik lang ang paglalakad namin. Hindi siya umiimik na halos mapag-isipan ko na hindi na siya humihinga.
“Maingay samin kaya..” Dahan-dahan kong sinabi pero hindi na din dinagdagan dahil naramdaman ko ang katahimikan sa atmospero namin. Tanging huni lang ng ibon at pagdapo ng mga dahon sa isa't isa ang maririnig.
Malapit na kami sa kanto namin nang narinig ko ang malakas na tunog ng speaker. Nagpapa-music na naman siguro si Martinez ng budots. Kailan pa kaya masasawa sa budots itong mga kapit-bahay kong buangit?
Kapag alas onse hanggang alas kwatro ay hindi mawawala ang mga malalakas na tugtog ng musika na akala mo ay buong Pilipinas ang makakarinig.
“Nandito na tayo, sumunod ka lang sakin..”
Pahayag ko.Dumiretso kaagad kami sa bahay kahit rinig ko ang tawag ng mga kapitbahay kong mga lalaki sa akin, siguro napansin ang lalaking nasa likod ko. Ngumingiti na lamang ako sa kanila. Naramdaman ko ang mga kuryosong tingin nila sa kasama kong tahimik lang habang naka-istambay sa harapan ng tindahan nila Aling Rosa.
“Pa, andito na ako!” sigaw ko kaagad nang makaabot sa bahay. Alam kong nanonood ng TV si papa ngayun dahil sa oras na ito ay pinapalabas ang paborito niyang mga pinikula sa PBO o di kaya'y sa Cinemo.
Sinandal ko ang bike sa pader ng aming bahay at sinulyapan ang lalaking nasa likod ko.
Mapapa-face palm na lang talaga ako kapag titignan ko ang kadugyutan niya.
“Umupo ka muna diyan.” Sabi ko na lang sabay turo sa upuan namin na gawa sa kahoy na inilagay ni Papa sa labas ng bahay para pangpahingahan.
Tumango siya sa akin. Hindi ko alam ang ekspresyon niya dahil sa baduy niyang damit na nakatabon sa kalahati niyang mukha.
Maya maya ay nagtanong siya.“Paano ito?” sabi niya sabay pakita sa kanyang dala.
Bahagya akong suminghap sa katangahan ko. “Ay, malapit ko nang makalimutan! Sundan mo na lang ako sa loob ng bahay.” Sabi ko at nauna nang pumasok sa bahay randam ko na sumunod siya sa mga yapak ko.
Pagkapasok ay nakita ko ang familliar na posisyon ni Papa habang nanonood ng TV.
Nakapatong ang isang paa sa mahabang upuan namin na gawa sa kahoy habang ang isa naman ay nanatili sa floormat. He was smirking o di kaya'y smiling habang pinapanood ang isang pilikula ni Eddie Garcia.
“Tay, andito na ako.” anunsyo ko.
Hindi ako pinansin ni Papa dahil tutok na tutok ang tingin nito sa TV. I just rolled my eyes. Nakita ko ang pigura ni Ate Ericka na humarap samin mula sa pagkakatalikod sa lababo roon sa kusina. Naka-suot siya ng black t-shirt at isang maong na shorts ngunit luma.
Naningkit ang mga mata niya na nakatingin sa likod ko. Kumibit balikat ako sa kanya at naglakad papasok ng kusina.
“Ito na ang pinabili mo.” Sabi ko sabay lapag ng mga binili sa lamesa. “Ano ang uulamin natin?” Tanong ko kaagad pero hindi siya naka-imik kaya kumunot ang noo ko nang sinundan ang tingin niya at dumapo ang tingin ko sa lalaking nasa likod ko lang.
Parang statue na nakatayo roon. Clueless at mukhang tanga. Sorry sa term, pero yun na nga. At para na rin nainsulto ang bahay namin dahil hindi bagay ang height niya sa loob ng bahay, parang dambuhala siya na kailangan ng customized cave.
“Sino 'yan?” Sa wakas ay lumabas rin ang katanungan sa bibig ni Ate.
Handa na sana aking sumagot pero napatigil nang wala aking maisip na isasagot. “Uh...”

BINABASA MO ANG
Trouble With The Heir ✓
Romance[ COMPLETED ] Penelope Veena M. Clemonte is frustrated after she got fired from her previous job. She badly needs to work for her father's medical expenses. She prayed that maybe the Almighty wants to provide money for her, and unexpectedly somethi...