Kabanata 29 : DEAD
Ika-apat na araw pagkatapos namatay si Papa.
Nakaupo ako sa aking kama at nakatulalang tinignan ang picture namin ni Papa. He's smiling there while he wrapped his arms around my shoulder while posing the check sign, habang ako naman ay nakangiting nag peace sign sa camera.
This is the last memory I have from him.
Gabi-gabi ko na itong niyayakap, umiiyak hanggang sa magising ako na mugto ang mga mata. My professor called about my absence and he scold me about it, kung hindi ako mag-aaral magda drop out na lang daw ako, and that's what I did after Papa's death nawalan na ako ng gana sa pag-aaral. Nag-dropout ako, kahit ilang araw pa lang akong nag-aaral.
I was in the middle of remembering my memories from Papa when the door slightly opened.
"Penny? Pasok muna ako, ibibigay ko lang 'tong yellow pad mo. Nakalimutan ko kasing ibigay ito sa’yo noong nakaraang araw. " Saad ni Ate at pumasok na ng kwarto ko. Pinagmamasdan niya ako ng marahan na para bang alam niyang nasasaktan pa ako habang nilagay ang yellow pad at ang ball pen ko sa aking lamesa.
"Penny.." tawag niya, hindi ako makasagot.
She sighs heavily, bahagyang tumungo si Ate at hinaplos ang buhok ko. "Come back..." she whispered, her voice slightly cracked. Bumuntong hininga ulit siya bago siya tahimik na umalis ng kwarto ko.
Inangat ko ang tingin ko sa lamesa, para tignan ang yellow pad na nilagay niya roon.
After I put a blanket on my father's body, iniwan ko ito roon sa kaisipan na mag-aaral pa ako kinabukasan.
Inabot ko ito at tinignan ang sunod na page. My eyes slightly widen and my lips parted when I saw Papa's handwritten.
I observed it.
Nanginginig ang aking labi. I silently sobs when I realized what is it.
It's my Papa's last message for me.
Sa Anak kong maganda,
mana sa mahal kong asawa,Aalis muna ako ng bahay 'nak ha? Kukunin ko lang ang regalo ko sa'yo, alam kong malungkot ka dahil kay Max at nagtatampo rito, kaya gusto ko siyang puntahan roon para bugbugin siya sa ginawa niya sa'yo! Jhoke lang anak! Baka gagalit ka niyan ha?
Gusto ko na marinig mo ang eksplenasyon niya, alam ko ang past ni Claudius, kinwento niya sa akin kaya may hula kaagad ako na hindi siya nagpapakita sa atin dahil kinukulong siya sa mga respondibilidad na naghihintay sa kanya, alam ko’ng may wasto na rason si Claudius riyan lalo na dahil ilang ulit siyang nanghingi ng patawad sa akin at sinabing gusto ka niyang pakasalan halos gusto ko nga siyang pukpukin ng martilyo ko eh nang binisita niya ako sa bahay ni Mildred. Walang deserving na tao sa anak ko! Kahit maraming salapi pa iyan at maganda ang reputasyon, wala talaga! Hindi ko gustong masaktan ka pa ng lubusan dahil sa kanya, kaya imbes na hintayin siyang bumalik at magpaliwanag sa atin, ako na ang magpupunta sa kanya at manghingi ng oras para magkita kami, diba ang galing ko anak? Hindi man ako si Superman pero gagawin ko ang lahat sa anak ko para lang hindi ka masaktan pang muli. Mahal kita anak, pati na si Ate Ericka mo. Matulog ka ng mahimbing ha? Maglinis ka kaagad ng muta mo pagkagising dahil baka magulat ka na lang na nasa labas ng kwarto mo si Max :))
BINABASA MO ANG
Trouble With The Heir ✓
Romance[ COMPLETED ] Penelope Veena M. Clemonte is frustrated after she got fired from her previous job. She badly needs to work for her father's medical expenses. She prayed that maybe the Almighty wants to provide money for her, and unexpectedly somethi...