Tanginang buhay 'to!Wala na bang ikagaganda ang takbo ng storya ko? Ganito na lang ba palagi? Ako na lang ba palagi ang kawawa? Ang hindi napagbibigyan?
Bakit 'yong iba, hindi naman nila kailangang maranasan ang mga pinagdadaanan ko? Kaya naman nilang mabuhay na walang pinapasang problema. Bakit ako, hindi? Sadya bang minalas lang ako ng pamilyang napuntahan?
"Edi putangina. Hindi ko naman hiniling na ipanganak," bulong ko sa sarili habang nakatanaw sa palubog nang araw.
Buong buhay ko, pinaramdam ng mga magulang kong pinagsisisihan nilang dumating ako sa buhay nila. Walang araw na hindi nila pinamukha sa akin na isa akong pagkakamaling kinailangan lang nilang buhayin para masabing responsable silang mga magulang.
Dahil doon ay nasanay akong gawin ang lahat para sa sarili ko. Hindi nila ako ipagluto, ako ang magluluto. Kailangan ko ng pera, maghahanap ako. Sinubok kong maging malakas dahil wala akong ibang kakampi kundi ako. Ngunit hindi iyon sapat. Dahil alam ko sa sarili kong bibigay at bibigay din ako. At dumating na nga ang araw na 'yon ngayon.
Ang mga luhang ilang taon kong pinigilan ay kumawala mula sa aking mga mata. Sumabay ang malakas na ihip ng hangin sa hikbi kong ngayon ko lang din nadinig. Sa bawat patak ng mga luha ay naaalala ko ang lahat ng pananakit at kasakiman na pinaranas ng mga taong tinuturing kong pamilya.
Bumaba ang paningin ko sa hawak kong gunting. Humigpit ang hawak ko roon ng maalala ang muntik ng mangyari sa akin kanina na siyang dahilan kung bakit ako narito ngayon. Inayos ko ang pagkakahawak doon at unti-unti iyong inangat, desidido na sa gagawin.
"Lagi akong inaakit ng buhok mo... napakabango... napakaganda..."
Walang alinlangan kong ginupit ang lagpas bewang kong buhok nang muli kong nadinig ang boses niya sa isip ko. Pinutol ko iyon nang napakaikli. Sobrang ikli hanggang nakaramdam ako ng hapdisa ilalim ng aking kanang tenga. Unti-unting pumatak ang dugo mula roon.
Ang tanging gusto ko lang ngayon ay putulin ang simbolo ng kapahuyapan niya. Nang maramdamang wala ng natirang mahabang hibla ay tinapon ko palayo ang gunting mula sa akin, natatakot na baka may iba pa akong maisipang putulin.
"Putangina ninyong lahat!" sigaw ko. "Gusto ko lang namang mabuhay nang maayos! Bakit pinapahirapan ninyo ako?!"
Hindi ako natigil sa pagmura at pagsigaw sa mga hinaing ko. Kampante naman akong hindi ako huhusgahan ng araw, kalangitan at hangin na siyang mga saksi sa pagdaing ko.
Tuluyan na ngang namaalam ang araw at unti-unti nang naghari ang kadiliman. Kahit gano'n ay wala akong balak na umuwi. Maliban sa hindi naman hahanapin ng mga magulang ko ang presensiya ko ay naroon din ang taong itinuturing kong demonyo.
"Alfreda, hindi ikaw 'to. Hindi ka mahina. Walang pwedeng umapak sa pagkatao mo. Tumahan ka," sabi ko sa sarili nang mahimasmasan.
Tumayo na ako at tinanaw ang nagdidilim na kaulapan. Huminga ako nang malalim habang mariin na nakapikit ang mga mata, iniisip na malalampasan ko ang problemang ito kahit na nag-iisa. Bago magmulat ng mga mata ay siniguro kong may ngiti sa aking labi.
Tumalikod na ako at handa nang lisanin ang rooftop ng paaralan nang bigla kong nakitang may tao pala sa may bandang hagdan. Agad na naningkit ang mga mata ko, inaalala kung pamilyar ba ang taong iyon. Magkahalong hiya, inis at kaba ang naramdaman ko habang papalapit ako sa kanya.
Nang tuluyang makalapit ay walang alinlangan kong pinalipad ang kamao sa mukha niya. Bata pa lang ay palaaway na ako at marami nangnapaiyak sa panununtok ko kaya alam kong masakit iyon. Bakas ang kirot sa ekspresyon niya ngunit hindi ang gulat. Mukhang inaasahan niyang uuwi siyang may black eye.
BINABASA MO ANG
Her Fearless Ways
RomanceLiving has never been easy for Alfreda Guevero. She grew up in an abusive household with a fear of her life ending in the hands of her own family. Thankfully, she has Malkovich Larson Obenieta, a friend whom she secretly likes for years. A bunch of...