Chapter 21

1.2K 19 2
                                    


Natawa ako. "Maganda pa rin ba ang mga mata ko?"

Lumayo siya sa 'kin saka hinarap ang upuan niya sa akin. He went down to level our gazes all the while wiping my face. Nakangiti niya iyong ginagawa habang tinititigan ang mukha ko.

"You were always beautiful, Alfreda Guevero," he said with such admiration in his eyes.

Nalukot ang mukha ko. "Alfreda Guevero. Pangit talaga."

I hate this name. I hate the people who gave me this name. I hate being related to this name. I wonder what my real parents wanted my name to be. Or if they even cared.

"Your surname?" he lifted my hand and planted a kiss on it. "Mapapalitan din iyan."

"Kung mahahanap ko ang totoo kong mga magulang, papapalitan ko talaga," sagot ko.

"That's... not what I meant," he replied.

Kumunot ang noo ko. "Ha? Ano pala?"

His mouth slightly parted and soon after smiled like crazy. "Kinakalawang lagi ang utak mo, 'no?"

"Ano ba kasi 'yon?" sagot ko, hindi pa rin makuha ang pinapahiwatig niya.

"Wala," natatawa niyang sagot. "Kain na."

Hindi ko na iyon pinansin at sinunod siya. Pagkatapos ay pinainom niya sa 'kin ang gamot na reseta ni Doc Sherry. Nagpahinga lang ako sandali saka nagpaalam na aakyat na para makatulog.

Inalalayan ako ni Malko paakyat sa hagdan. Nakahawak ang isa niyang kamay sa kamay ko habang ang isa naman ay sa bewang ko. Nang makarating sa tapat ng pinto ng kwarto ay bigla niya akong niyakap.

"Good night, Red," he gently kissed the side of my head.

I didn't know how to react. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa ginawa niya. Kapag ganoon ang nangyayari ay nahahampas ko siya sa braso. Pero hindi iyon ang ginawa ko. Kaya mas binaon ko na lamang ang mukha sa dibdib niya.

"Good night, mahal ko," usal ko.

Napabitaw siya sa pagkakayap sa 'kin. "Mahal ko?"

Namilog ang mga mata ko. "H-ha? Malko... Malko ang sabi ko."

He raised a brow. "Talaga?"

"B-bakit naman kita tatawaging mahal ko? Mahal ba kita?" palusot ko.

Napangisi siya. "Hindi ba?"

"Hindi," nang makitang nadismaya siya ay napalunok ako. "Hindi... pa."

Muling nanumbalik ang ngiti sa mata't labi niya at hinila ako papalapit para yakaping muli. Hindi 'yon nagtagal at nang pakawalan niya ako ay dali-dali akong pumasok sa loob ng kwarto. Sinubsob ko ang mukha sa kama at doon nagsisisigaw sa kilig.

Inamin niya sa 'king matagal na niya akong napansin. Nasabi niya na rin na gusto niya ako. Na tanggap niya ako kahit ano pa man ang pinagdaanan ko. Parang ang bilis... natatakot ako na baka mabilis ding mawala lahat ng 'to.

The pills I took made me sleepy... and hallucinate things? I dreamt of us sleeping together in the same bed. He was caressing my hair as he whispered sweet words into my ear, making me want to sleep more. His arms made their way to pull me closer to him. I think our chests and lips touched, and it felt... good. Suddenly, I woke up only to find him locking me in an embrace.

Her Fearless WaysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon