He embodied the people I have loathed all my life with the words he extracted from his deepest thoughts.Tinawag niya akong malandi, narinig ko si Gina.
Hinawakan niya ako ng buong pwersa, nakita ko si Alfredo.
Ginamit niya ang kahinaan ko, naalala ko si Larry.
Sinisisi niya ako sa lahat ng nangyari tulad ni Tita Melanie.
The words I've been trying hard to forget were the exact words he had said. From him... whom I expected the least to hurt my soul.
Hindi ko lubos maintindihan kung paano kami umabot sa ganito. Am I a bad person? Don't I deserve a life less hurting? Ganito na ba talaga ako kamalas? O sadyang ayaw lang ng tadhanang manalo ako sa kahit anong laban?
With a heavy heart, depressing momentum, and unending tears... I accepted my defeat.
"Malas ka," I talked to my reflection.
The girl in the mirror was a reflection of a forsaken being longing for validation. Her eyes were swelling due to tears that flowed like a waterfall. Her lips were dry, her hair tangled, and her emotions unstable like hers.
A sad smile painted my chapped lip as I looked at my long-lost friend, checking if its sharpness was enough to cut something. The thought of doing it again tightened the pain in my chest. Akala ko tapos na ako sa ganito. Hindi pa pala.
"Hair holds memories, huh?" mapait akong napangiti. "Tangina, edi gupitin."
I grabbed a handful of my hair and unforgivably cut it. Wala na akong pakialam kung hindi iyon magpantay-pantay. I cut it so short that some parts of my scalp were showing. Mas maikli, mas matatanggal lahat ng masakit na alaala.
When I was done, it didn't make me feel better. Masakit pa rin.
I isolated myself. Ilang araw akong nagkulong sa kwarto. Lumalabas lang ako kapag mag-isa na lang ako para makakain. The people around me were worried for me and my child. I was too. But the pain I was feeling never helped me think straight.
"A-Alfred? A-anong nangyari?"
Naabutan ako ni Ate Amy sa kusina, naghahanda ng makakain namin ng anak ko. Ito ang unang beses na nakita niya ako sa ilang buwang pagkulong ko. Magkahalong pagkabigla at awa ang nabasa ko mula sa ekspresiyon niya nang makita ang itsura ko.
I lost weight. Tanging ang tiyan ko lang ang malaki sa 'kin. Lumalim ang mga mata ko at numipis ang pisngi. Tanda iyon na malalim ang sugat na naitamo sa 'kin nga mga nagdaang nangyari.
"Pasensiya na po kayo. Nagutom po kasi kami ni baby kaya nakialam na ako ng mga gami—"
Lumapit siya sa 'kin at niyakap ako nang mahigpit. She was sobbing. She was crying for me. Naaawa siya sa 'kin. That's something I couldn't do for myself anymore.
Pagod na akong kaawaan ang sarili ko. Napagod din akong umiyak. Napagod akong iyakan silang lahat. Kahit si Malko. Kahit ang sarili ko. Nakakapagod na maging ako.
I got so tired that I decided to just end everything.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Kuya Carlos nang makasakay ako sa kotse.
Ngumiti ako sabay suot ng pink cap na terno namin ni Malko. "Kay Ruby po."
Sandaling katahimikan ang ginawad niya sa 'kin bago muling nagsalita. "Nasa mansion siya ngayon."
Malumanay na pagtango lang ang sinagot ko at dinala niya kaagad ako roon. Himas-himas ko ang lumalaking tiyan habang nakatanaw sa malaki nilang mansion. Ang lugar kung saan nag-umpisa ang lahat. Ang lugar na nakasaksi kung paano kaming nagmahalan.
BINABASA MO ANG
Her Fearless Ways
RomansaLiving has never been easy for Alfreda Guevero. She grew up in an abusive household with a fear of her life ending in the hands of her own family. Thankfully, she has Malkovich Larson Obenieta, a friend whom she secretly likes for years. A bunch of...