Three months have passed and I can testify that Malko was a man of his word.He took me in. Dito na ako nakatira sa mansion at halos magbuhay prinsesa na ako, malayong-malayo sa buhay na kinalakihan ko. Sa lahat ng bagay ay tinutulungan niya ako, mapalaki man o maliit. I can see how he's trying to build a less cruel world for me. For the both of us.
"Ready ka na, mahal ko?"
Nakagat ko ang labi habang pinapanood sa salamin ang pagsuklay ni Malko sa buhok ko. Ngayong araw ang unang hearing laban sa mga Guevero kaya dapat daw ipakita ko sa kanila na maayos ang lagay ko. He insisted to brush my hair and I caught him sniffing it multiple times.
"Saan galing ang mahal ko?" tanong ko sa kanya.
Nagkibit-balikat siya. "Ewan. Sa 'yo ko narinig 'yan, eh."
"Malko kasi 'yon," kunyari'y inis kong pahayag. "Kay gwapong tao, bingi."
"Sabi na nga bang gwapong-gwapo ka sa 'kin, eh," nanunukso ang tinig niya.
Sinamaan ko siya ng tingin mula sa salamin. "Feeling mo."
Napailing na lang siya at tinapos ang ginagawa saka ako pinatayo. Niyakap niya ako at sa sandaling dumikit ang tenga ko sa dibdib niya ay narinig ko ang bilis ng tibok ng puso niya.
"Kinakabahan ka ba?" tanong ko sa kanya. "Siguradong mananalo ako sa kaso, Malko."
He sighed. "I'm as confident as you are. Worried lang ako dahil makikita mo sila ulit."
Kumawala ako saka siya tiningnan. "Hindi na ako takot sa kanila. Wala ng dahilan para matakot ako."
Tiptoeing, I reached for his cheeks and planted a kiss on it. Hindi siya roon na kuntento kaya hinabol niya ang mukha ko bago pa man iyon makalayo at hinalikan ako sa labi. Sabay kaming pumunta sa korte at agad na sinalubong ni Mr. Obenieta. Nagulat pa ako nang makita sina Ma'am Santos, Jimmy pati ang iilan sa mga kaklase namin na naroon.
Lumapit sina Steph sa 'kin. "Pinapunta kami ni Larson. For moral support."
"Kahit naman hindi niya sinabi ay pupunta ako," si Jean.
"Pabida mo naman," usal ni Leah.
Siniko siya kaagad ni Jean. "Gaga, mama ko 'yong vet ni Sierra, 'di ba?"
"Ay, oo nga pala."
Nang kalauna'y pumasok na kami sa court room. Nasa harap ako kasama si Mr. Obenieta na malimit akong kausapin tungkol sa daloy ng kaso. Ilang minuto pa ay dumating na rin ang mga Guevero. Taas-noo ko silang tiningnan isa-isa habang naglalakad papunta sa mga upuan nila. Masama ang tingin nila sa 'kin na parang sinisisi nila ako kung bakit sila narito. Isa ito sa mga pagkakataong nakayanan kong gantihan ang sama ng tingin nila sa 'kin.
I warned them about this but they took it for granted. Now, I'll show them my wrath.
"All rise. The Honorable Edna Jalandoni is now presiding."
Tumayo kaming lahat saglit at pagkatapos ay naupo sa hudyat ng Judge. "Call the case," aniya.
"Case number 9263. People of the Philippines against Alfredo Guevero, Gina Guevero and Larry Guevero."
"Apperances," muling ani ni Judge.
Tumayo si Mr. Obenieta. "For private prosecution, Atty. Blake Obenieta, Your Honor," umupo siya ulit.
Tumayo naman ang katabi nito. "For the accused, Alfredo Guevero, Gina Guevero and Larry Guevero, Atty, Eduardo Britanico, Your Honor."
Hindi nagtagal ay muling tumayo si Mr. Obenieta. "Your Honor, members of the jury, my name is Atty. Blake Obenieta, representing the prosecution in this case. My client, Alfreda Guevero, was physically, verbally and emotionally abused by the defendants."
BINABASA MO ANG
Her Fearless Ways
RomanceLiving has never been easy for Alfreda Guevero. She grew up in an abusive household with a fear of her life ending in the hands of her own family. Thankfully, she has Malkovich Larson Obenieta, a friend whom she secretly likes for years. A bunch of...