"Patatagalin mo pa ba? Baka nakaalarma na ang mga Obenieta! 'Pag tayo nahuli yari pati ako!" sigaw ni Diego."Bakit nadamay ang mga Obenieta? A-ano ba talagang kailangan mo?!" asik ko sa kanya.
"Bobo mo naman?! Sinabi ko na ang kailangan ko, 'di ba?! Patay na ang nanay ko! Kaya dapat mamatay ka rin para makaganti ako kay Larson!"
Nanginig ang labi ko. "P-pero... wala siyang kasalanan. Wala s-silang kasalanan ni Ruby. Bakit ba pinagpipilitan mong may kasalanan sila!"
"Dahil may kasalanan sila!" bulyaw niya sa 'kin. "Hindi ako magkakaganito kung hindi ko alam ang tunay na nangyari!"
"P-pero... sabi ni Malko..."
"Ano?! Na hindi si Ruby ang nakabangga sa nanay ko?! At naniwala ka naman?" humalakhak siya. "Kaya nilang paniwalain ang lahat na wala silang kasalanan dahil kaya nilang bayaran ang hustisya. Pero ako? Hinding-hindi ako mababayaran ng kahit magkano! Magbabayad sila!"
Hindi ako nakailag nang itama niya ang dulo ng baseball bat sa mukha ko kaya mabilis akong nahilo. Tinamaan niya ang ilong ko, palagay ko ay nabali iyon, sobrang dami ng dugo. Napapikit ako ng muli silang nagbangayan, nagsisisihan at muntik nang mag-away.
I was silently praying to regain my strength. Or better yet, regain the old Alfreda. Kung siya ang naririto ngayon ay baka hindi lang siya nakatakas, napatumba niya pa ang dalawang mokong na 'to.
But just like me, the old Alfred will choose to stay on the safe side for her baby.
Bumaba ang kamay ko sa tiyan at hinimas-himas iyon. Sinikap kong hindi itulog ang pananakit ng mukha. Ngunit nang mapasandal lang sa pader ay hinila ako ng antok pahiga sa kama. Nagising lang ako sa malakas na kalabog na nagdulot ng labis na pag-aalala sa 'kin.
"Buntis ka?!" sigaw ni Larry habang hawak ang pregnancy test na sana'y ipapakita ko kay Malko.
Sinugod ako ni Larry at kinuwelyuhan. Napasigaw ako sa takot habang sinusubukang alisin ang hawak niya sa 'kin. Hindi siya nagpapigil at buong lakas na binangga ang katawan ko sa pader. Sa lakas niyon ay mabilis akong nahilo. Ngunit kahit ganoon ay sinubukan kong manlaban.
Kahit na inihiga niya ako sa kama. Kahit na dahan-dahan niyang tinanggal ang butones ng blouse ko. Kahit na pumatong siya sa 'kin. Kahit walang kahirap-hirap niyang nagawa iyong lahat... sinubukan ko pa ring manlaban at ipagtanggol ang sarili.
Pero wala.
Ito na nga siguro 'yon. Magtatagumpay na nga siya sa matagal na binabalak.
"H-huwag... tama n-na..."
"Pumirmi ka! Isang tikim lang 'to!" sigaw niya sa mukha ko.
Pinilit niyang iharap ang mukha ko sa kanya. Sinara ko ang bibig nang tangka niya akong halikan. Nang hindi ko siya pinagbigyan ay sinampal niya ako sabay pisil ng pisngi ko. Nauubos na ang pasensiya niya kaya bumaba ang halik niya sa leeg ko habang naglalakbay ang kamay niya.
Nahawakan niya ang dibdib ko. Ang hita ko. Ang tiyan ko. Bawat haplos ng kamay niya ay mas pinandirian ko ang sarili. Kinamuhian ko rin ang sarili dahil sa pagkakataong ito ay mas ginusto kong hinampas na lang sana ako ni Diego para hindi nangyari ito.
Sana... sana pinatay niya na lang ako kaysa ganito. Ayoko nito.
"Bakit ka ba kasi nagpabuntis sa lalaki mo? Sarap na sarap ka ba? Mahilig ka rin pala," natatawang aniya saka pinagpatuloy ang ginagawa.
Kahit anong pilit ko na itulak siya ay wala na akong lakas na nararamdaman pa sa katawan ko. Para akong nanigas dulot ng kaba at pagkabigla sa bilis ng pangyayari. Nasa gano'ng sitwasyon ako nang maramdaman ko ang pagdaloy ng malapot na likido mula sa pwerta ko. Natigil si Larry sa ginagawa at napatingin din doon.
BINABASA MO ANG
Her Fearless Ways
RomanceLiving has never been easy for Alfreda Guevero. She grew up in an abusive household with a fear of her life ending in the hands of her own family. Thankfully, she has Malkovich Larson Obenieta, a friend whom she secretly likes for years. A bunch of...