"Ang cute niya 'no?" sambit ni Malko habang nilalaro si Sierra."Mana sa 'kin," ngumisi ako.
Nasa kusina kami ngayon dahil pagbibigyan ko siya sa kahilingang matikman ulit ang luto ko. Nakangiti ko silang pinanood saglit bago pinagpatuloy ang paghanda ng rekados.
"Ano'ng lulutuin mo?" bigla niyang tanong.
Nagulat pa ako dahil sobrang lapit niya sa likuran ko. Walang anu-ano'y pinulupot niya ang mga braso sa bewang ko at ang baba niya ay pinatong sa balikat ko.
"A-ano... bulalo," nauutal ko pang sagot.
Limang buwan na kaming magkasintahan ngunit may parte pa rin sa 'king hindi makapaniwala. Kaya minsan ay naiilang pa rin ako, ngunit nilalabanan ko naman iyon.
His breath reached my nape. "Really? You can cook that?"
Tumango ako. "Kaya kong lutuin lahat ng lutong ulam."
"Sino'ng nagturo sa 'yo?"
"Ako lang," mayabang kong sagot. Nang lingunin ko siya ay muntik ko pang nahalikan ang ilong niya. Nanlalaki ang mga mata kong inalis ang braso niya sa 'kin. "Doon ka nga. Ang landi mo."
"I'm being sweet," mahina niyang sabi. "Ayaw mo ba?"
Gusto. "Sakto lang."
"Parang ayaw mo naman, eh."
Pairap ko siyang hinarap at pabalik na siya sa kinauupuan kanina. Hinabol ko siya at hinigit ang damit para hilahin pabalik sa tabi ko. Muntik ko na siyang mahuling nakangiti pero agad niya iyong pinigilan.
"Iabot mo 'yong sibuyas," utos ko sa kanya. Hindi siya gumagalaw sa tabi ko at nang binalingan ko siya ay nakatingin lang siya sa mga rekados. "Malko, sabi ko paabot ng sibuyas."
Sumingkit ang mata niya bago napalunok. "That's onion, right?"
Napakurap ako sa tanong niya. Tama ba 'yon? Onion ba ang sibuyas?
"Ata?" hindi sigurado kong sagot.
Napatingin siya sa 'kin. "Hindi ka sure?"
"Oo nga pala! Onion ang sibuyas. Garlic ang bawang. Tapos ginger ang luya," diretso kong saad.
"O-okay..." kinamot niya ang batok. "Alin dito ang onion?"
Pinasingkitan ko siya ng mata. Nakanguso naman niyang inabot sa 'kin ang platito na may kulay ubeng rekados ang laman.
"Yan ang sibuyas, tama ka naman," kinuha ko iyon mula sa kanya. "Siguro naman ay alam mo kung ano ang bawang?"
"The white one?" hindi sigurado ang tinig niya.
"Opo," nakangiti kong sagot.
Hindi ko na siya ulit inutusan at hinayaan na lang siyang panoorin ang pagluto ko. Matapos malagay lahat ng gulay ay tinakpan ko na iyon. Bumalik kami sa hapag at doon magkatabing umupo.
"What's next?" tanong niya.
"Hihintayin lang nating kumulo at lumambot lahat ng nandoon," sagot ko naman.
Narinig ko siyang huminga nang malakas. "Nakaka-turn off ba?"
"Ha? Ang alin?"
"Na wala akong alam sa pagluluto..."
Mukhang nahihiya nga talaga siya. Wala naman iyon sa 'kin. Hindi naman lahat ay kinahihiligan ang pagluluto. Plus points lang talaga kapag marunong dahil basic skill naman ata dapat iyon.
"Hindi," prangka kong sagot. "Pero sana subukan mong pag-aralan. Para kapag mag-isa ka lang ay hindi ka magugutom."
"I don't want to be alone but I will learn," ngumiti siya. "And I want you to teach me."
BINABASA MO ANG
Her Fearless Ways
RomanceLiving has never been easy for Alfreda Guevero. She grew up in an abusive household with a fear of her life ending in the hands of her own family. Thankfully, she has Malkovich Larson Obenieta, a friend whom she secretly likes for years. A bunch of...