The concept of luck—wherein a person's fate is sealed by a force cannot be seen by our naked eyes, is something I have believed in as I grew older.Nanalo ka sa lotto, swerte ka. Muntik ka nang mabundol ng kotse pero nakaiwas ka, sinuwerte ka. You were born from a wealthy family, of course, you're more than lucky. 'Yon nga lang, mayroon ding tinatawag na good and bad luck.
Unfortunately in my case, my luck is on the bad side. Pinanganak na nga sa mahirap na pamilya, pareho pang ma-bisyo ang mga magulang.
"Alfreda! Lintik kang bata ka! Hindi mo nalabhan ang damit na gagamitin ko!"
Nagluluto ako ng almusal nang marinig ang reklamo ni Nanay. Ilang sandali pa ay nakalapit na siya sa pwesto ko at malakas na dumampi ang palad niya sa pisngi ko. Tumagilid ang mukha ko sa lakas niyon. Kahapon lang ay kamao ni tatay ang tumama sa mukha ko, ngayon naman ay kanya.
May mga bisyo na nga, mapanakit pa.
Lihim akong napangisi nang mapagtantong hinding-hindi na talaga sila magbabago. Kaya hangga't hindi pa ako nakakapagtapos sa Senior High ay titiisin ko lahat. May plano na ako para sa hinaharap ko at isa ang pamumuhay sa impyernong 'to ang magiging inspirasyon ko para magpursige. Ilang buwan na lang din naman ang titiisin ko.
Kaya ko pa.
Kakayanin.
"Kailangan ko ng puting damit sa burol ni Aling Celia! Ano ba kasi ang inaatupag mo't hindi mo magawa nang maayos ang mga gawaing bahay dito?!" sermon niya.
"Nag-aaral po kasi ako. May extra naman po akong puting damit na pwede ninyong hiramin muna," mahina kong sagot.
Pinasadahan niya ng tingin ang katawan ko saka ngumisi. "Sa payat mong 'yan, tingin mo magkakasya sa 'kin ang damit mo?!"
"May malalaki akong t-shirt na magkakasya sa—"
"Kunin mo na! Ang dami pang satsat!"
Nakayuko akong pumunta sa kwarto at hinanap ang sinasabing damit. Nakahiligan ko rin kasing magsuot ng oversized shirts kaya alam kong may magkakasya sa kanya mula roon. Nang mahanap iyon ay lumabas na ako ng kwarto.
"Ito po," pag-abot ko sa kanya.
Binuklat niya iyon mula sa pagkakatupi at tinantiya sa katawan niya. Nakita ko siyang napangiwi bago binato ulit iyon sa 'kin, muntik pang mapunta sa niluluto ko.
"Huwag na! Magsusuot na lang ako ng itim!" inis na aniya.
Palihim akong umirap at binalik ang atensiyon sa pagluluto. Rinig na rinig ko ang paghahalughog niya ng mga gamit at malulutong niyang mura. Hindi nagtagal ay lumabas din siya ng bahay na nagmamadali, nakasuot nga ng itim na damit. Ni hindi man lang naligo muna bago umalis.
"Sugal lang naman ang habol niya ro'n," bulong ko.
My mother is a gambler. Lahat siguro ng uri ng sugal ay alam niya. Minsan talo, minsan panalo, kadalasan ay hindi nakakabawi. Samantalang si tatay naman ay lasinggero. Kulang ang mga daliri ko sa kamay at paa para mabilang ang mga gulong napasukan niya dahil sa pag-iinom. Sila na lang ang lagi kong nakakasama simula noong umalis siya.
Pinagpatuloy ko na lamang ang pag-aayos para mawala ang iniisip. Inasikaso ko na rin ang pagkain ng mga pusa ko bago inayos ang sarili. Naghahanda na akong umalis papuntang eskwelahan nang tumunog ang messenger ko. Hindi ko natago ang ngiti nang makitang si Malko ang nag-chat.
Bakulaw:
Absent tayo
G?"Kung makaaya naman 'to akala mo hindi pabagsak ang grades!" bulalas ko.
BINABASA MO ANG
Her Fearless Ways
RomanceLiving has never been easy for Alfreda Guevero. She grew up in an abusive household with a fear of her life ending in the hands of her own family. Thankfully, she has Malkovich Larson Obenieta, a friend whom she secretly likes for years. A bunch of...